Regine Velasquez explains why she's not rushing movie comeback

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez explains why she's not in a hurry to make her much-awaited movie comeback: "Hindi kasi ako sure kung gusto ko pang mag-movie. E, ang interest ko sa recording, sa concerts."


Nagpaliwanag si Regine Velasquez-Alcasid kung bakit tila patagal nang patagal ang pagbabalik-pelikula niya.

Posibleng ito'y bunsod ng successful movie comeback ni Sharon Cuneta na matagal ding nabakante sa paggawa ng pelikula, pero naging matagumpay ang movie comeback dahil sa team-up movie nila ni Robin Padilla na Unexpectedly Yours noong nakaraang Disyembre.

Gaya ni Sharon, si Regine ay marami pa ring loyal fans na nami-miss na ang kanyang presence sa silver screen.

Inamin naman niya kung bakit tila hindi siya nababahala sa delay sa paggawa niya ng pelikula.

Lahad niya, “Hindi kasi ako sure kung gusto ko pang mag-movie.

“Kasi si Boss Vic [del Rosario of Viva Films], since last year pa, even before the recording contract happened and the concert happened, he’s been trying to convince me to go back doing movies.

“E, ang interest ko sa recording, sa concerts.

“Sabi niya, 'Hindi, sa movies.' Sabi ko, 'Huh?'

“Parang na-weirduhan ako. Di ba dapat sa ano...?

“Kasi para sa kanya parang automatic na yun. Kinu-convince niya ako to do movies again this year.

“And he wants to meet with me nga para we can talk about it.

“Pero, I don’t know.

“Hindi ko nga alam… hindi pa nga ako nagawa ng pelikula, so I don’t know how the people will receive it, you know?”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa presscon ng #Pa-MORE, ang pre-Valentine's Day concert nila nina Martin Nievera, Ogie Alcasid at Erik Santos sa February 10 na gaganapin sa MOA Arena

Ginawa ang launch sa Seda Hotel Vertis North nong nakaraang Lunes, January 8.

NO DEFINITE PLANS YET. Samantala, hindi makapagbigay ng komento si Regine kung sino sa mga naging leading man niya sa mga nakaraan niyang pelikula ang gusto niyang makasama muli sa kanyang movie comeback.

Sabi nya, “Wala pa naman, it’s all hanging, pinag-uusapan pa naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa rin sure kung gusto ko.

“Kasi yung soap [teleserye], soap yun, e.

“Parang it’s different, it’s free.

“Saka yun nakakontrata ako at kailangan kong gawin.

“I actually enjoy doing soaps now. Yung pelikula, iba yung demand, e.”

STILL PREFERS COMEDY ROLES. May takot ba si Regine na baka hindi mag-click ang comeback movie niya kung sakali?

Pag-amin niya, “Siyempre, may ganon.”

“Pero nowadays ang usong pelikula yung nililiitan nila.

“Hindi na yung malaking pelikula. So, nililiitan na lang nila.

“I suppose hindi ganung kalaki ang budget 'tapos you can do it na parang semi-indie.

“Even the story, hindi masyadong commercial.

“I think parang yun ang... what Boss Vic wanted me to do.

“Kaya lang, pag mga ganon, ayoko nang mag-drama.

“Hindi talaga ako comfortable.

“I mean, pag sinabi mong comedy, may drama pa rin nang konti, pero hindi yun yung strength ko, e.

“And even my audience or the people who watch my movies, they actually prefer and like na medyo comedy.

“Siguro puwede yung the role can be a little serious pero yung over-all, comedy pa rin.”

TALENT FEE ISSUES. Willing ba siyang makipag-compromise para sa talent fee niya kung saka-sakaling mapabilang siya sa isang mala-indie film project?

“Hindi ko naman alam kung ano yung TF ko.

“So, hindi ako nakikipag-usap doon, yung manager ko,” pagtukoy niya sa nakababata niyang kapatid na si Cacai Velasquez-Mitra.

IMPRESSED WITH LARAWAN. Binanggit ni Regine ang MMFF 2017 movie entry na Larawan, at hindi siya naging matipid sa kanyang mga papuri para sa pelikula at mga bida nito.

Ani Regine, “I was actually very impressed and si Joanne [Ampil, lead star ng movie] was really-really good.

“I was very, very impressed.”

Sa tanong kung kaya ba niya ng mga ganitong temang pelikula, diretsahan niyang inamin na hindi niya ito kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang hindi ko kaya yun.”

“Baka bold lang ako, pang-bold films lang ako,” pabiro niyang hirit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN