For Judy Ann Santos, acting takes a backseat to family life

IMAGE Judy Ann Santos Facebook page

Judy Ann Santos prioritizes her family life over her acting career: "Uunahin ko ang pamilya ko, tapos ang trabaho. Kumbaga, tatanggap pa ng trabaho pero 'eto yung oras ko ngayon, 'eto lang yung maibibigay ko. But I always say it in the most honest and most respectable manner."


Challenging ang role ni Judy Ann Santos sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes, na pinagbibidahan nila ni Angelica Panganiban at ipapalabas na sa January 17.

Gaganap siya bilang si Lianne, isang cosmetic surgeon na nagkaroon ng conflict sa kanyang marriage nang malaman niyang ang asawa niya pala ay isang bading, si Gary, na ginagampanan naman ni Joross Gamboa.

Ayon kay Juday, bagamat malayo sa totoong buhay ang kanyang role, meron ding ilang mga aspeto kunsaan nakaka-identify siya kay Lianne.

Lahad niya, “Siguro kung meron mang pagkakapareho is yung maghu-hold on at maghu-hold on sa taong mahal niya.

“Pero magrerebelde. Yung pagrerebelde wala ako nun, e. Yung 'kung ayaw mo e di huwag!'

“Hindi ako mag-e-effort para magrebelde pa.

“Ipagdadasal na lang kita na makarma ka! Charoz!”

Ang pagkakaroon ng strong personality ang isa pa raw nilang pagkakapareho ni Lianne.

“Pero ipot ng bibe ang puso, yung ganun. Malambot pero malakas yung exterior,” hirit niya.

Pareho rin ba silang career-driven ni Lianne?

Aniya, “Nung bata ako. Nung dalaga ako.”

FAMILY COMES FIRST. Dito ni-reveal ni Judy Ann na iba na ang priorities niya ngayon.

“Sa ibang ano na siya, sa ibang path na,” saad niya.

Ngayon, mas importante na raw para kay Judy Ann ang personal niyang buhay—ang kanyang pagiging ina at asawa.

Kuwento niya, “Mas sa family.

“Dalaga pa lang ako, sinabi ko talaga sa sarili ko, kahit wala akong boyfriend nung time na…

“Nakita mo naman ang schedule ko nun, alam mo kung gaano ako kapagod noon.

“Daig ko pa ang doktor!

“Prinamis ko sa sarili ko—siguro I was only twenty—papagurin ko yung sarili ko, sasagarin ko yung sarili ko sa puyat, pero pag nag-asawa ako, ako naman.

“Hindi ko pa nakikilala si Ryan nun, wala akong dyowa nun, ha?

“Naka-mindset ako, at twenty-six, dapat may anak ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May plano na akong ganun.

“Kaya sinagad ko namang talaga ang trabaho ko hanggang magka-anak ako, hanggang magkaroon ako ng panganay.

“Yung bukas na bukas ang buhay ko, bukas na bukas ang bahay ko sa mga tao, wala akong itinago pero prinamis ko sa sarili ko, pag nagkapamilya ako at nag-settle down ako, ang akin, akin.”

IDEAL FAMILY LIFE. Makikita naman sa aura ni Judy Ann na masayang-masaya siya sa kanyang buhay pamilya ngayon dahil nga napaka-ideal ng family life nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo at mga anak nilang sina Yohan, Lucho at Luna.

Patuloy pa niya, “Uunahin ko ang pamilya ko, tapos ang trabaho.

“Kumbaga, tatanggap pa ng trabaho pero 'eto yung oras ko ngayon, 'eto lang yung maibibigay ko.

“But I always say it in the most honest and most respectable manner.

“Na, ‘Eto po yung schedules ng mga anak ko, eto yung mga alis namin, ayoko po sanang magtrabaho ng weekend kasi iyon lang yung walang pasok ang mga bata.’

“Hangga’t maaari, lahat ng activities ng mga bata—PTA meetings, graduation, of course communion, soccer tournament—kahit ano pa 'yan, dapat nandun ako.”

ACTING NOT TOP-PRIORITY. Mas naka-focus si Judy Ann ngayon hindi sa pagiging artista kundi sa pagiging asawa at ina.

Diin niya, “Mas iyon!

“Pero siyempre, hindi mo naman din talaga bibitawan ang pagiging artista.

“Hindi naman ako magpapaka-plastik at sasabihin kong hindi ko na kailangang magtrabaho.

“Of course not. Of course, kailangan ko pa ring magtrabaho.

“Kaya ko nga ini-schedule nang maayos, kasi para magampanan ko yung dapat kong gampanan sa nakakayanan pa ng energy ko.

“Kasi ayoko namang pumasok sa trabaho 'tapos hindi ko kayang gawin, hindi ba?

“Parang unfair naman yun sa producers ko na tinanggap ko, 'tapos hindi ko naman maiko-commit yung buong energy ko sa kanila, 'tapos babayaran nila ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napaka-unfair.

“So parang ngayon, mas I live in the most honest, possible way kasi ayokong makasagasa, ayokong masabihan akong dumi-diva ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN