Charo Santos-Concio slated to do movie about senior citizens

IMAGE Miguel Luis Nera


Kinumpirma ni Baby Go, producer ng film outfit na BG Productions, na isang pelikula ang nakalinyang gawin sa kanila ng ABS-CBN Chief Content manager na si Charo Santos Concio.

Pagkatapos mag-retire ni Charo bilang Presidente ng Kapamilya network noong 2015, ginawa niya ang mga pelikulang Ang Babaeng Humayo at Hele Sa Hiwagang Hapis.

Sa ngayon, ginagawa ni Charo ang horror film na Eerie kung saan makakasama naman niya dito si Bea Alonzo.

Sinabi ni Baby Go sa presscon ng mga pelikulang gagawin ng BG Productions sa Marco Polo Hotel, excited at masayang-masaya siya na mapo-produce niya ng isang pelikula ang hinahangaan niyang artista.

“Actually siya yung nag-suggest na magpapagawa sa amin. Masayang-masaya din ako kasi nga, gustong-gusto ko siya, idol ko siya. Di niya nagustuhan yung unang offer namin na movie, yung sinulat ni Ricky Lee so ngayon siya mismo ang nag-suggest na ang gagawin namin is Sixty In The City."

Ang Sixty In The City ay libro ni Lualhati Bautista tungkol sa mga babaeng senior citizens.

Ani Baby, “Super excited ako dito kasi tuwing nagkikita kami, nagbabatian kami, saka natutuwa siya sa akin, tuwang-tuwa naman ako. Mataas siyang tao pero napakasimple niya, napakabait niya saka pangarap ko na maging artista ko siya so ngayon malapit nang matupad.”

Inisa-isa din ni Baby ang mga pelikulang dapat abangan sa BG Productions ngayong 2018.

“Sa ngayon hanggang February pasabog natin is limang movies. Alam naman natin yung Almost A Love Story, pangalawa yung Latay, at pangatlo yung pine-presscon natin at mayroon pang maliit na hindi pa namin sinasabi kasi sikreto yun.”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay may Cinemalaya entry ang BG Productions ngayong 2018. Ito ang pelikulang School Service na ididirek ni Louie Ignacio.

“This is our first time, siyempre masaya yung feeling mo na napili at pinasok yung BG Productions at yun ang binigyan nila ng chance na sumali. Masayang-masaya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahigpit pero di muna binibigyan ng pansin muna na ito ay dinidibdib ko para manalo ako. Sa akin matalo, manalo, okay lang sa akin. Basta ang importante sa abroad, nanalo naman kami.”

Tinanong namin kay Baby kung tuloy pa ba ang pelikulang balak nilang pagsamahin sila Nora Aunor at Congresswoman Vilma Santos. Nabalita na may plano na rin daw na gawin ito ng Star Cinema.

“Kay Vilma, mayroon siya kaya lang hinihintay ko pa yung isang tao na nagdala sa akin dun, di naman siya showbiz. Pero malapit na kaming pumunta. Sabi ng kaibigan ko di na raw kailangan dahil sila na mismo ang sasama sa akin, mga media. Sasamahan na lang daw nila ako dun, dadalhin namin yung script.

"Kay Nora, mayroon sa kanya about sa unano na mga boksingero.”

May plano ba silang pagsamahin ang dalawang veteran actresses sa isang proyekto?

“Pagsamahin sila? Na-mention ko ‘yan palagi na gustong-gusto ko at good idea nga ‘yan.

"Actually kay Direk Louie ko na-mention ‘yan. Sabi niya, 'Sige, tuloy natin ‘yan. Di ako hahawak niyan pero maganda ‘yan.'”

"Maganda kung si Direk Joel [Lamangan] daw ang hahawak kasi mga artista niya before ang mga yun. Pangarap ko yun na mapagsama sila bilang mga bida.”

Bukod kina Charo, Congresswoman Vilma Santos, at Nora Aunor, may ilan pang mga artista na gusto ding makatrabaho ng may-ari ng BG Productions.

“Actually marami, e, maraming artista ang tinuturo ko na gusto kong makatrabaho. Pangarap ko nga dati si Angelica Panganiban, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla.”

Sa kabila ng pagtangkilik sa indie films ay marami pa ring mga pelikula ang hindi pa rin gaanong pinapanood ng publiko. Sa kabila nito ay hindi pa rin takot na sumugal ang producer na isa rin palang matagumpay na businesswoman.

“Sa akin naman bumabalik ang puhunan ko, binibili naman ng mga network, yun ang akin. Pag bumalik na yung puhunan, gawa uli, pag hindi, pahinga muna. Ayokong sumugal na hindi ko kaya, kung kaya saka mo gawin, kung wala, wag muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN