Pia Wurtzbach and Gerald Anderson start shooting My Perfect You

IMAGE From Instagram account of Star Cinema

Pia Wurtzbach on working with Gerald Anderson for their movie titled My Perfect You. The beauty queen-actress remarked, "Magaling siyang artista, magaling siyang umarte. Napapanood ko siya noon pa so hopefully may mga maituro siya sa akin."



Pagkatapos mapanood si Pia Wurtzbach sa pelikulang Gandarrapiddo: The Revenger Squad, sinimulan nang gawin ng beauty queen-actress ang isang pelikula na pagtatambalan nila ni Gerald Anderson.

Ito ay pinamagatang My Perfect You na ididirek ni Cathy Garcia-Molina.

Nainterview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pia sa presscon/launching niya bilang Goya product endorser sa Vu’s bar sa Marco Polo Manila, Ortigas.

Dito ay nagpahayag ng excitement ang Miss Universe 2015 na makatrabaho ang ABS-CBN actor.

“Medyo nakuwento na sa akin yung movie pero bukas ko pa talaga mas malalaman kung ano yung story,” kuwento ni Pia.

“Kung nandun si Gerald, yun ang first time na mami-meet ko siya.

“I am really excited. Magaling siyang artista, magaling siyang umarte.

“Napapanood ko siya noon pa so hopefully may mga maituro siya sa akin.”

Nagbigay din ng saloobin ang beauty queen-actress sa balitang malakas ang performance ng Gandarrapiddo The Revenger Squad sa box-office.

“Actually ngayon ko lang nabalitaan yung success ng movie,” aniya.

“Sobrang saya upon doing the movie, alam ko na nag-400 million na yata kami two weeks ago.

“Thank you so much, sobrang happy ako na nakasama ako sa movie na ito and unforgettable talaga.

“It’s a great, great way to start my career back in ABS-[CBN].”

Ayon sa Executive Committee ng Metro Manila Film Fest, ang The Revenger Squad ang naging top-grosser ng edition na ito.

Sa thanksgiving party ng pelikula, in-announce ng Star Cinema film na kumita ang action-comedy film ng P571 million sa box-office.

DARNA TELESERYE? Dahil gumanap na si Pia bilang superhero sa The Revenger Squad, marami ang nagsasabi na kung si Liza Soberano daw ang gaganap bilang Darna sa pelikula, bagay naman daw kay Pia na maging Darna sa telebisyon kung gagawin itong teleserye.

“I think di ko pa naman nababalitaan ‘yan pero magaling si Liza,” sagot ni Pia. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Serye? Tingnan na lang natin. 

“Basta ako ine-enjoy ko lang lahat ng ginagawa ko at pag may trabahong binibigay sa akin, kina-career ko talaga.

“Trabaho lang ng trabaho. Di ko naman iniisip na kailangang may reward after.

“Sa akin makapagtrabaho lang ako reward na yun.”



Stories We Are Tracking

<em>The Revenger Squad</em> grosses P571 million, says Star Cinema
The Revenger Squad grosses P571 million, says Star Cinema
Revenger Squad earned this much at the box-office, says Vice
Revenger Squad earned this much at the box-office, says Vice
PEP EXCLUSIVE: MMFF 2017 entries grossed this amount to date
PEP EXCLUSIVE: MMFF 2017 entries grossed this amount to date
Here's how much MMFF 2017 grossed at the box office!
Here's how much MMFF 2017 grossed at the box office!









WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN