Robin Padilla quips about onscreen exposure: "Bakit naman butt, puwede din naman akong frontal!"

IMAGE Noel Orsal

Robin Padilla recalls, "Di ba, doon sa Unexpectedly Yours, yun ang opening ko: yagb*ls?" The actor admits that he doesn't mind doing frontal nudity if the scene calls for it.


Sa blockbuster movie na Unexpectedly Yours pumayag si Robin Padilla na ipakita sa screen hubad na parte ng kanyang katawan habang naliligo, at pinapanood siya ng kaparehang si Sharon Cuneta sa eksena.

Sinabi ni Robin na kung anuman ang gustong ipakita o ipagawa ng kanyang direktor, hindi niya babasagin ang trip nito.

Komento pa ni Robin, “Hindi ko alam talaga kung ano ang ano nila, e, pero sige kahit ano walang problema. Trip niyo 'yan, e, babasagin ko pa ba? Ang tanda ko, sige kahit anong gusto nila ibibigay ko po."

Dumating na ba sa point ng career mo na lahat ay gusto mo nang subukan pagdating sa roles? Sabi mo basta trip ng filmmaker, basta trip ng viewers ipapakita mo, pinagtripan ngang ipakita yung b*lls mo?

“Totoo naman, e,” mabilis na sagot ni Robin, “Di ba, doon sa Unexpectedly Yours, yun ang opening ko: yagb*ls?"

Bukas rin ba siya sa posibilidad na magpakita ng butt o puwet?

Nakangiting sumagot agad ang Pilipinas Got Talent judge, “Bakit naman butt, puwede din naman akong frontal [nudity]!”

Matapos humalakhak, seryosong nag-comment uli si Robin, “Hindi totoo, wala ako talagang...sa panahon ngayon...ano pa ba naman, magsi-singkuwenta na ako.

"Isipin mo 50 [years old] ka na pinagi-interesan ka pa na makita yung puwet mo at frontal? E, di maging proud ka na.

“Kasi iba yan. Yung totoo po, ako nanahimik na ako, retired na ako, yun ang totoo. Nanahimik na ako, lagi na akong nasa Mindanao.

"Bigla lang akong pinapunta ni Ma’am Malou Santos [of Star Cinema]. Ang dami niyang ibinigay sa aking project.

“Siyempre, ako naman bakit ko naman babarilin yung mga bagong ideya ng mga bagong direktor na ito? Ang KJ [killkjoy] ko naman.

"Kumbaga, kung inabot nila ako doon sa kasagsagan ko, baka matanggap nila pag ayaw kong gawin ito, ayokong gawin 'yan, siguro maiintindihan ako ng mga bagong direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero coming out from nowhere babalik ka dito at sasabihin mo doon sa mga bagong direktor, ayaw kong gawin 'yan, e, iisa ang sasabihin ng mga 'yan, e, may sira ang ulo nitong matanda na 'to, di ba? E, yun lang yung akin.

Patuloy ni Robin, “Kinukuha niyo ko, gusto niyo kong bigyan ng trabaho at si Ma’am Malou Santos ang nagbigay ng trabaho hindi ka naman puwedeng tumanggi dun, lalakihan ka ng mata nun, tapos na ang istorya. E, gagawin ko na.

“Totoo yun, kahit si Direk Cathy [Garcia-Molina] tanungin niyo hindi nagdalawang salita yun.

"[Sasabihin niya], 'Tanggalin mo yung shorts mo, alright! 'Hubarin mo yung shorts.' Wala nang ano yun, arte-arte pa.”

Si Direk Cathy ang direktor ng Unexpectedly Yours na pinagbidahan rin nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

“Wala na sa akin yun,” patuloy ni Robin.

“Basta paliwanag mo lang kung bakit ko gagawin. Kasi pag sinabi mong maghubad ka diyan, teka, ano po bang eksena ito? Ganito, maliligo ka, panonoorin ka ni Sharon.' Sabi ko, 'Sharon, panoorin mo ako talaga.'”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng media si Robin sa presscon ng kanyang bagong show na Sana Dalawa ang Puso, kung saan kasama niya sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Ginanap ito noong Sabado, January 13, sa 9501 restaurant sa ELJ Building, ABS-CBN compound, Quezon City.



Stories We Are Tracking

Robin incurs wrath of netizens for humiliating Korean in PGT
Robin incurs wrath of netizens for humiliating Korean in PGT
ABS-CBN 2018 shows bared; Robin Padilla gets new teleserye
ABS-CBN 2018 shows bared; Robin Padilla gets new teleserye
Sharon Cuneta on ex-boyfriend Robin:
Sharon Cuneta on ex-boyfriend Robin: "Love ko 'to, e."
Robin Padilla talks about kissing ex-girlfriend Sharon anew
Robin Padilla talks about kissing ex-girlfriend Sharon anew





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN