Here's why Agot Isidro agreed to do love scene at age 50

IMAGE Rachelle Siazon

Agot Isidro shot a love scene with Sandino Martin for the musical film Changing Partners, which will open in cinemas on January 31, 2018.


“Fifty na ako,” kasunod ang malakas na halakhak ni Agot Isidro sa pagpayag niya na gumawa ng love scene with theater/film actor Sandino Martin para sa musical film na Changing Partners.

Live-in couple ang role nina Agot at Sandino sa Changing Partners. Fifteen years ang layo ng edad ng karakter ni Agot sa pelikula ni Direk Dan Villegas bilang si Alex. Ginampanan naman ni Sandino ang batang partner ni Alex na si Cris.

Bakit hindi ito ginawa ni Agot noong mas bata pa siya?

“E, siguro may mga pumapalag. Hahaha!

“Ngayon, wala nang pumapalag.

“Actually, it feels better kasi I’m freer expressing myself, di ba, my artist side,” paliwanag ni Agot noong makausap namin siya sa presscon ng Changing Partners sa 9501 restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Ang Changing Partners ay base sa musical play mula sa PETA na likha ni Vincent de Jesus at unang ipinalabas sa 2017 Cinema One Originals Film Festival as one of the official entries.

Si Agot ang nanalong Best Actress sa Cinema One film fest. Nasungkit naman ni Dan Villegas ang Best Director, Best Actor si Jojit Lorenzo, Best Editing kay Marya Ignacio, at Best Music si Vincent de Jesus.

Winner din ang Changing Partners para sa Special Citation For Ensemble Acting, ang Audience Choice Award at ang Champion Bughaw Award for Best Film.

In real life, 24 years ang agwat ng edad ni Agot kay Sandino. At hindi lingid sa marami na pitong taon nang hiwalay si Agot sa kanyang mister na si Manu Sandejas.

Open ba si Agot Isidro na magkaroon ng relasyon sa lalaki na mas bata sa kanya?

“Kung okay sa akin magkagusto sa mas bata sa akin?

“Hmm....depende. Yung mga 30 something, hindi ko na keri!

“Hindi ko na keri yun.”

Mga 40 plus na ang edad ba ang mas type niya for her next partner?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, or siguro ano, alam mo it’s not the age, or it’s not the number.

“Maybe yung kanyang maturity level. Kasi si Sandino medyo mature ang pagiisip."

Open ba siya na pumasok sa isang relasyong gaya ni Eula Valdes na malayo ang agwat ng edad sa boyfriend niya na si Rocky Salumbides?

“Oo, kasi nga depende sa ano, hindi sa age. Open ako sa ganun. Dati medyo ano ako, ‘Wow, thirty!’ Medyo ganoon ako noon,” sagot ni Agot.

Magkakaroon ng mainstream theatrical release ang Changing Partners sa mga sinehan simula January 31, 2018.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN