Carlo Aquino opened up about problems with ex-girlfriend to Bela Padilla

IMAGE Allan Sancon (Bela)

Carlo Aquino told Bela Padilla (right frame) about problems with his ex-girlfriend Kristine Nieto while shooting their movie Meet Me in St Gallen.


Unti-unti nang gumagawa ng pangalan si Bela Padilla hindi lang sa larangan ng pag-arte kundi maging sa pagsusulat ng script sa pelikula.

Nakilala siya bilang scriptwriter ng 2017 movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga titled Last Night.

Naging blockbuster naman ang huling pelikula ni Bela kasama si JC Santos, ang 100 Tula Para Kay Stella na sinulat at dinerehe ni Jason Paul Laxamana.

Ngayong 2018 ay mapapanood si Bela sa romance movie na Meet Me In St. Gallen kunsaan si Carlo Aquino ang kanyang leading man. Written and directed by Irene Villamor, ang Meet Me In St. Gallen produced by Spring Films ay ipapalabas simula February 7, 2018.

Sa bloggers’ conference ni Bela na ginanap noong January 17 sa Coffee Project, Wil Tower Mall, Quezon City, ikinuwento ni Bela ang magiging takbo ng istorya ng movie nila ni Carlo.

Bela: “Kwento ito ng dalawang taong laging nagmi-meet, na tama sila para sa isa’t-isa, pero laging mali yung timing, laging may isang hindi ready. Hindi naman namin kine-claim na bagong love story ito or may gusto kaming patunayan sa movie na ito. It something that so relatable, kaya dapat niyo itong panuorin, kasi, parang ako feeling ko, timing is really everything, e. Parang at one point in our life meron tayong nakikilalang ganun, yung hindi nagma-match kasi hindi tama yung timing.

“Ang kinaganda ng movie, it is also the story of listening. Halos lahat ng movie na napapanuod natin recently ay mga hugot films, inaabangan natin, dahil sa mga hugot lines. Sa movie namin na ito ay napakarami naming lines, pero napakarami ring quiet moments, at makikinig ka hindi lang ng tenga mo, pero kailangan mong makinig with everything inside. That’s made me really say yes to this project. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng script na habang binabasa ko, ay inaarte ko na siya sa utak ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gagampanan ni Bela Padilla ang karakter ni Celeste na isang artist, na nagsimula bilang digital artist and then eventually ay gumawa siya ng sarili niyang exhibit.

Ayon kay Bela, very free-spirited si Celeste sa movie na ito and she says what she wants to say. Wala siyang pakialam kung tama yung sinasabi niya, dahil sobra siyang ma-prinsipyo, feeling niya pag may mali, kailangan niyang i-call-out kahit hindi siya kasali sa situation. Medyo madaldal daw si Celeste, parang lagi siyang may ipinaglalaban. Samakatuwid, gagampanan ni Bela ang pagiging “epal” sa pelikulang ito.

Sa trailer daw ng Meet Me In St. Gallen ay sinabi ng karakter ni Bela na, “Sa mundo, dalawa lang yung epal, ikaw or ako, mas gusto na ako yung epal.” Ganito raw ang way of thinking si Celeste: uunahan niya ang iba palagi.

Bago ang blogger’s conference ni Bela ay unang ginanap ang blogcon si Carlo Aquino. Inamin ng actor na bago para sa kanya ang maging bida sa ganitong klaseng rom-com.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela: Paano niya sinuportahan si Carlo sa kanyang acting?

Bela: “Nag-text si Carlo sa akin bago nagsimula yung shoot namin, tinanong niya ako, ‘Sure ba kayo na gusto niyo talaga ako sa movie na ito?’ Sabi ko, ‘Ano ka ba, kung may isang tao na deserve ang movie na ito, ikaw yun, ang galing-galing mong umarte.’

“Parang kailangan mong ireassure muna si Carlo, bago niya umpisahan ang isang project, at yun yung natutunan ko sa kanya.”

Kamakailan ay inamin ni Carlo na hiwalay na sila ng girlfriend niya na si Kristine Nieto. Tinanong ng PEP si Bela: Aware ba siya na may pinagdadaanan si Carlo habang sinu-shoot yung kanilang movie dahil may hindi pagkaka-intindihan sila ng kanyang ex-girlfriend?  

Bela: “Yes, he told us naman. Sinabi niya naman sa amin sa set na may pinagdadaanan nga daw siya nang panahon na yun. He told us not for anything, but for us to understand na kung bakit minsan lutang siya at kung minsan ay tulala siya, para siguro hindi kami manibago.

“Saka humingi siya ng tulong at sinabi niya na ‘nalulungkot ako today.’ Nagso-sorry din siya sa amin sa sitwasyon niya na yun. Hindi naman naapektuhan yung acting ni Carlo sa movie namin, bagkus mas gumaling pa nga siya lalo, e. Mas naging emosyonal yung mata niya at alam mong may bitbit siya pagdating sa shooting, may karga yung mata niya na luha.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay ba ng advice si Bela kay Carlo tungkol sa pag-ibig?

Bela: “Anong advice ang maibibigay ko kung isang taon na akong single? Ako pa ba ang magbibigay ng advice kay Carlo na seven years yata yung past relationship niya.

“Sabi ko sa kanya na huwag kang maglalalapit sa 'kin dahil magiging single ka rin ng isang taon.” (sabay tawa ng malakas)

Ayon kay Bela, napakaganda ng St. Gallen sa Switzerland kung saan sila nag-shoot ng mga eksena nila ni Carlo. Pinangako ni Bela sa sarili niya na babalik siya dun para magbakasyon. Na-experience daw nila na habang sinasabi nila ang kanilang lines sa pelikula ay nanginginig ang kanilang mga labi dahil sa sobrang lamig. Kapag umiyak daw sila, patulo pa lang ang luha nila ay natutuyo na agad dahil sa lamig.

Hindi lang daw ang istorya ang aabangan sa pelikula, kundi maging ang mga scenery sa St. Gallen ay magugustuhan ng mga manonood.



Stories We Are Tracking

Here's why Carlo Aquino is thankful to Piolo Pascual
Here's why Carlo Aquino is thankful to Piolo Pascual




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN