Allen Dizon gets international Best Actor award for Bomba

IMAGE Dennis Evangelista

Allen Dizon won the Best Actor Award in Bangladesh for playing an ill-fated deaf-mute in Bomba.



Nag-uwi ulit ng karangalan para sa Philippine cinema si Allen Dizon dahil nagwagi siya bilang Best Actor sa 16th Dhaka International Film Festival sa Bangladesh. 

Kinilala siya para sa kanyang "tour de force performance" bilang isang "ill-fated deaf-mute" sa kanyang movie titled Bomba. Ang kanyang karakter ay may "taboo relationship" sa isang 16-year-old teenager.

Known internationally as The Bomb, ang pelikula na ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Ralston Jover.

Sa festival na ito, 216 movies from 64 countries ang ipinalabas.

Ito ang second international acting award ni Allen para sa indie film na Bomba.

Noong October 2017 ay napanalunan ng former sexy actor ang Best Actor award sa 33rd Warsaw Film Festival in Poland.

Heto ang pinost ni Dennis Evangelista, ang manager ni Allen, tungkol sa pagkapanalo niya sa kanyang Facebook page:

“Allen Dizon wins anew in the currently culminating Dhaka International Film Festival's awarding ceremony in Bangladesh.

"This is Allen's second international best actor award for our film, BOMBA. His first was in Warsaw International Film Festival last October 2017 where he shared the honor with his co-actor Angelline Angellie Nicholle Sanoy, also for Bomba. Thanks a lot, Allen for giving life to Pipo and for giving BOMBA another validation. Congrats endless! Mabuhay ka!”

Binanggit din ni Evangelista ang pag-interview kay Allen ng Bangladesh TV crew at ang pag-congratulate sa kanya ng international jury na mula pa sa Bangladesh, India, USA, Iran and Norway.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN