Is Sigrid Andrea Bernardo the next Cathy Garcia Molina?

IMAGE Noel Orsal

Director Sigrid Andrea Bernardo on working relationship between directors and actors: "Sana magsuportahan ang mga artista at direktor. Kasi kung walang artista, walang direktor."


Inamin ng direktor na si Sigrid Andrea Bernardo na nagkaroon ng gusot sa schedule nina Ryza Cenon at JC Santos bago nila gawin ang Mr.& Mrs. Cruz.

Ito ang dahilan kaya hindi siya pumayag magtrabaho hangga’t hindi maayos ang schedule ng mga bida ng pelikula niya sa Viva Films.

Ayon kay Direk Sigrid, “Nagkaproblema kami sa schedule, pero naayos agad namin.

“Yun ang maganda, hindi ako pumapayag na hindi ayos ang schedule.

“Nag-lock in kami, ginawa namin lahat.

“Si Ryza, may mga ginive-up siya. Nilatag namin ang mga schedule.

“Sabi ko, hindi ako magwu-work kung ganito yung schedule, kaya before pa lang ng shoot, naayos namin ang mga gusot na ganoon.”

Patuloy niya, “Lahat ng direktor, iba talaga ang pressure sa paggawa ng pelikula.

“Masakit kasi, lalo na kung lahat kayo, gusto na mag-shoot talaga.

“Siyempre ang direktor, nasasaktan din ‘yan and naka-concentrate ka sa kuwento, sa pagdidirek mo.

“Tapos, kapag hindi kayo nagkaayos ng artista mo, sobrang sakit talaga yun.

“Kaya lang, sana, magkausap lahat, magkaayos sila, kasi at the end of the day, magiging magkatrabaho kayo.

“Mabigat yun, so sana magsuportahan ang mga artista at direktor.

“Kasi kung walang artista, walang direktor.”

Kinakabahan na raw si Direk Sigrid sa magiging reaksiyon ng mga tao at sa resulta ng premiere ng Mr. & Mrs. Cruz, na magaganap ngayong gabi, January 23, sa Cinema 7 ng SM Megamall.

THE NEXT BLOCKBUSTER DIRECTOR? Si Sigrid ang nagdirek ng 2017 surprise hit na Kita Kita, na pinagbidahan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Ang iba pa niyang mga pelikula ay Ang Huling Cha-Cha ni Anita (2013) at Lorna (2015).

Sinagot ni Direk Sigrid ang paniniwalang siya ang papalit at susunod sa yapak ng direktor na si Cathy Garcia Molina, na malapit nang magretiro dahil sa planong manirahan sa ibang bansa.

Pahayag niya, “Iba naman si Direk Cathy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, bawat direktor, may kanya-kanya ng estilo sa paggawa ng pelikula.

“So, sa tingin ko, hindi ako susunod sa yapak, kasi siya yun, e—Cathy Garcia Molina na siya.

“I can never be Cathy Garcia Molina, so iba yung sa akin.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN