Mother Lily of Regal Films wants to produce this kind of movie for Kris Aquino

IMAGE Noel Mangalonzo (Mother Lily) / Noel Orsal (Kris)

Mother Lily Monteverde (left) of Regal Films reveals what she misses most about Kris Aquino.


"I became rich!"

Ito ang nakakatuwang reaction ni Mother Lily Monteverde nang tanungin siya kung ano ang pakiramdam na nakabalik siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang horror film na Haunted Forest ang entry ng Regal Films sa MMFF 2017 at ito ay pinagbibidahan nina Jane Oineza, Jameson Blake, Maris Racal, at Raymart Santiago.

Sa appreciation dinner ng MMFF 2017 na ginanap sa Sampaguita Gardens, Quezon City ay nag-announce ang Executive Committee ng ranking ng four top-grossing movies sa annual film fest.

Ang top four highest-grossing movies sa 43rd edition ng MMFF ay ang sumusunod:

The Revenger Squad starring Vice Ganda, Daniel Padilla, Pia Wurtzbach

Ang Panday starring Coco Martin, Mariel de Leon, Jake Cuenca

Siargao starring Erich Gonzales, Jericho Rosales, Jasmine Curtis-Smith

Haunted Forest starring Jane Oineza, Raymart Santiago

Ang apat pang MMFF entries ay ang sumusunod: Meant to Beh (top-billed by Vic Sotto), All of You (top-billed by Derek Ramsay and Jennylyn Mercado), Ang Larawan (top-billed by Joanna Ampil and Rachel Alejandro), at Deadma Walking (top-billed by Joross Gamboa and Edgar Allan Guzman).

Ngunit, hindi sinabi ng MMFF Execom kung ano ang ranking ng four remaining entries.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mother Lily, inamin rin niya na gusto niyang gumawa muli ng pelikula para kay Kris Aquino. Ayon sa matriarch ng Regal Films, she misses Kris “very much.”

Matatandaan na naging bida si Kris at ang yumaong actor na si Rene Requiestas sa comedy movies na produced by Regal. Kabilang dito ang Pido Dida: Sabay Tayo (1990), Pido Dida 2 (Kasal na) (1991), at Pido Dida 3: May kambal Na (1993).

Ano pong feeling na 4th top-grossing movie ang Haunted Forest?

Mother Lily: “Okay na ‘yan. At least naman I made profit. That’s why I said that ‘I became rich.’”

Ano pong feeling na mas mataas ang kinita ninyo kumpara sa ibang entries?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mother Lily: I want all the producers to make money. Wala nang competition, wala nang inggitan. Basta, ano lang, we're all together. We all have to make money.”

Natuwa ba kayo sa performance nina Jane Oineza, Raymart Santiago, dun sa movie?

Mother Lily: “Ay yeah! They acted very well.”

We heard that you want to do a movie for Kris Aquino.

Mother Lily: “We'll, I'm planning but I have not talked to her pa.”

Bakit si Kris Aquino ang napili niyo?

Mother Lily: “Well, I love her. I like her very much.”

Ano po yung pinakanami-miss niyo kay Kris?

Mother Lily: “She's so loving and very caring. At saka she's okay.”

Kung papipiliin po kayo, anong klaseng movie ang gusto ninyong gawin for Kris?

Mother Lily: “Pwedeng comedy.”

Sino naman pong leading man ang gusto niyo?

Mother Lily: “Wala pa.”

Ano pa ang ibang movies ng Regal na naka-lineup this 2018?

Mother Lily: “You know what I told my daughter [Roselle Monteverde], she has to produce more movies.”



Stories We Are Tracking

PEP EXCLUSIVE: MMFF 2017 entries grossed this amount to date
PEP EXCLUSIVE: MMFF 2017 entries grossed this amount to date
Here's how much MMFF 2017 grossed at the box office!
Here's how much MMFF 2017 grossed at the box office!
MMFF 2017 3-day ticket sales surpass last year's earnings
MMFF 2017 3-day ticket sales surpass last year's earnings




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN