Carlo Aquino jokes about observation on his acting, "Dapat pala lagi akong nakikipag-break."

IMAGE Allan Sancon

Carlo Aquino says about their upcoming movie Meet Me in St. Gallen, "Ang maganda sa Spring Films, hindi nila pinaramdam sa akin na kailangan maging big hit din ito."



“Masarap yung feeling, masaya kahit papaano siyempre may pressure, lalo na galing sa big hit na Kita Kita," pag-amin ni Carlo Aquino sa pagiging bida ng upcoming movie na Meet Me In St. Gallen.

Nakausap ng members of the press si Carlo sa press conference ng Meet Me In St. Gallen na ginanap sa Plaza Ibarra, Quezon City noong January 26.

"Pero yun ang maganda sa Spring Films, hindi nila pinaramdam sa akin na kailangan maging big hit din ito. Yung proseso ng paggawa ng pelikula ang mas importante sa kanila na alam nilang mahal mo yung ginagawa at trabaho mo.

“Sobrang thankful ako sa Spring Films kasi nagtiwala sila sa akin para sa pelikulang ito, sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila.”

Sa previous interview sa leading lady niya na si Bela Padilla, sinabi niya na mas naging effective yung acting ni Carlo sa pelikulang ito.

Naniniwala si Bela na may pinaghugutan si Carlo dahil sa pinagdadaanan niya sa ex-girlfriend niya na si Kristine Nieto.

Sabi noon ni Bela, "Hindi naman naapektuhan yung acting ni Carlo sa movie namin, bagkus mas gumaling pa nga siya lalo, e. Mas naging emosyonal yung mata niya at alam mong may bitbit siya pagdating sa shooting, may karga yung mata niya na luha.”

Tinanong ng press kung ano ang reaction niya dito at ito ang pabirong sagot ni Carlo:

“Dapat pala ay lagi akong nakikipag-break, 'no? (sabay tawa)”

Nabanggit din ni Bela na may mga pagkakataon daw na wala sa sarili niya si Carlo during their shooting at nagbibilang ito ng building sa St. Gallen, isa sa mga towns ng Switzerland. Kapag nangyayari ito, hinahayaan lang daw nila si Carlo na mag-ikot-ikot dun para mapag-isa.

Bago sinagot ni Carlo ang tanong ay tawa ito ng tawa ng malakas at sabay sabi, “Hindi ko napansin yun! O, baka naman in character lang ako that time! Wow!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Carlo na kasabay ng break-up niya ang paggawa niya ng pelikulang Meet Me in St. Gallen, kaya medyo apektado siya ng mga panahon na yun.

Nabanggit ni Direk Joyce Bernal na ikino-consider niya si Carlo Aquino sa gagawin niyang pelikula about Marawi ngayong Marso.

Ikinagulat ito ni Carlo dahil hindi niya pa daw alam ‘to.

“Ah talaga! Okay! Wow! Sa inyo ko lang nalaman 'yan. Wow, parang yung ginawa kong Bagong Buwan, that’s good to hear,” sabi ng 32-year-old actor.


Stories We Are Tracking

Carlo Aquino opened up about ex-girlfriend to Bela Padilla
Carlo Aquino opened up about ex-girlfriend to Bela Padilla
Piolo Pascual reveals plans for movie on Marawi siege
Piolo Pascual reveals plans for movie on Marawi siege


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN