Cacai Bautista on Elmo-Janella: "Hinayaan ko na lang kasi mga young love, sweet love."

IMAGE Noel Orsal (Elmo-Janella)

Cacai Bautista (left) says about Elmo Magalona and Janella Salvador: "Cute naman yung dalawa, lalo na si Janella na pagkaganda-ganda." 


Aminado si Cacai Bautista na na-witness niya ang pagiging sweet nina Elmo Magalona at Janella Salvador sa shooting ng pelikulang My Fairy Tail Love Story.

Ito ang Valentine's presentation ni Direk Perci Intalan ng IdeaFirst Company para sa Regal Entertainment Inc.

Ang pag-aasikaso raw ni Elmo kay Janella ang hindi makakalimutan ni Cacai bilang witness sa "young love sweet love" ng ElNella love team. 

Kinikilig raw si Cacai Bautista sa pagiging sweet nina Elmo at Janella sa isa’t isa habang ginagawa nila ang mermaid movie na ipapalabas sa mga sinehan simula February 14.

Pahayag ng Kapamilya comedienne, "Cute naman yung dalawa, lalo na si Janella na pagkaganda-ganda.

"Hindi ko na sila pinagpapansin masyado, kasi ang daming langgam.

"Hinayaan ko na lang kasi mga young love, sweet love.

"Ganun, ganyan, mga batang 'to, ang cute-cute."

Nainggit ba siya?

Tugon niya, "Hindi naman, wala na ako sa level na naiinggit.

"Masaya na ako kapag nakakakita nang ganun, parang daanan naman tayo lahat dun sa bitter stage.”

Bakit naman bitter stage kung sweet nga ang ElNella?

Aniya, “Kapag nasaktan ka, 'di ba, dadaan ka talaga sa bitter stage.

"Lahat hate mo, lahat nang masasaya, ayaw mong makita.

"Pero, kapag natapos na yun, ang sarap na ng feeling.

"Masaya ka na para sa ibang tao, kasi masaya ka na din."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cacai sa photoshoot ng MetroBank Card Corporation's Yazz Card na ginanap sa Parallax Studio sa Makati City noong January 31.

CUTE LOVE TEAM. Palagay ba niya ay bagay sina Elmo at Janella?

Giit ng komedyana, "Oo naman! Cute sila, cute naman talaga sila.

"Ang sarap tingnan, ang sarap panoorin.

"Haaay, parang naalala ko nung high school ako, naalala ko nung college ako.

“Parang ganun, kahit late 30s ka na, gusto rin na maka-feel pa nang ganun, nakakakilig yun, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon daw ay ayaw na muna niyang mag-boyfriend.

Trabaho daw muna ang focus niya at may mga blessings na dumarating at ayaw niya itong pakawalan.

Naniniwala ang 39-year-old actress na panahon ang magdidikta kung kailan darating si Mr. Right sa buhay niya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN