My Fairy Tale Love Story director defends Janella Salvador on "cause of delay" issue

IMAGE Noel Orsal

My Fairy Tale Love Story director Perci Intalan clarifies that Janella Salvador never caused any delay in the making of the movie, despite her issues with her mom: "Everyone is aware of what's happening sa mag-ina, pero ang maganda naman is, Janella is very professional. Wala akong makitang problema with her when she's on the set. She comes on time and wala kang makitang problema sa mukha niya kasi she's always excited to shoot."


Pinabulaanan ng direktor ng pelikulang My Fairy Tail Love Story na si Perci Intalan ang bali-balitang naging cause of delay sa pagbuo ng pelikula ang young actress na si Janella Salvador.

Inamin ni Direk Perci na inabot nang halos isang taon bago nila natapos ang buong pelikula, pero wala naman daw kinalaman ang mga issues ni Janella sa delay ng pagtatapos ng movie nila ng ka-loveteam niyang si Elmo Magalona.

Ang naging main problem daw ay ang schedules ng mga artista nila sa movie.

Mahirap daw mapagsama-sama ang mga ito sa iisang location dahil may kanya-kanya silang trabaho.

“Hindi lang naman kasi si Janella ang artista namin sa movie, marami sila.

“There’s also Elmo, Kiko Estrada, and Kiray Celis.

“So may kanya-kanyang schedules ang mga ‘yan sa mga tapings nila at kung anu-ano pang mga raket.

“It’s beyond our control kung biglang may papasok sa schedule sa kanila kaya naantala nang matagal ang shooting namin.

“But we’re so happy now that we’ve finally finished the film.

“Hindi rin kami nag-overbudget. We are just right sa budget na sinet namin sa movie despite all the delays.

“Noong mag-okey ang schedules ng mga artista, tuluy-tuloy na ang shooting namin,” kuwento ni Direk Perci sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng My Fairy Tail Love Story, noong nakaraang January 29, sa Valencia Events Place in Greenhills, San Juan.

OTHER CAUSES OF DELAY. Dumagdag pa raw sa delay ng shooting ang iba’t ibang elements, tulad ng unpredictable weather.

Kaya naghintay ng magandang panahon ang buong crew para makapag-shoot ng mga underwater scenes.

“We started shooting the film January 2017. So maganda-ganda ang weather.

“Pero nagkaroon ng ibang mga trabaho si Janella and Elmo.

“They started shooting yung Bloody Crayons.

“On our part naman, we started pre-production for Ang Dalawang Mrs. Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, natigil kami nang matagal.

“Pero nakapag-resume na kami ulit was around July and August.

“Tag-ulan na iyon, di ba? So we were praying every time na sana maganda ang mga underwater scenes namin.

“Pero kapag maulan talaga, mahirap mag-shoot.

“E, malalayo pa naman ang mga shooting locations namin, like Zambales, Batangas and Pangasinan.

“Iba’t ibang mga dagat ‘yan para lang makapag-shoot kami ng underwater scenes na malinaw talaga.

“Ayaw naming dayain ang mga eksena na ilalim ng dagat,” diin pa niya.

LAUDING JANELLA'S PROFESSIONALISM. Naging big issue naman ang naging personal na alitan ng mag-inang Janella at Jenine Desiderio.

Kaya marami ang nag-isip na naging reason din ito ng delay sa shooting.

Paglinaw ni Direk Perci, “It’s really unfair to say na cause of delay si Janella, kasi wala naman siyang fault kung naurung nang naurong ang shooting namin.

“Everyone is aware of what’s happening sa mag-ina, pero ang maganda naman is, Janella is very professional.

“Wala akong makitang problema with her when she’s on the set.

“She comes on time and wala kang makitang problema sa mukha niya kasi she’s always excited to shoot.

“Kasi nga ang peg niya, Disney Princess talaga. Yung masaya, bubbly, makulit.

“She wants that to be seen sa character niya.

“Para nga siyang sinasapian ni Ariel sa The Little Mermaid kapag nagsu-shoot na kami.

“I guess Janella has learned to set her personal problems aside.

“Professional siyang bata. She knows how to handle her problems.

“And in fairness naman to her mom, she never went to the set. Never ko siyang nakitang dumating.

“Maybe it’s her way of respecting her daughter’s place of work.”

FOND MEMORIES OF DIREK MARYO. Nag-share pa si Direk Perci ng isang magandang experience niya sa yumaong film director na si Maryo J. delos Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong pinasok nila ang My Fairy Tail Love Story para maging isa sa official entries ng 2017 Metro Manila Film Festival, hindi ito napili.

Pero nakatanggap ng tawag si Direk Perci mula kay Direk Maryo.

“Direk Maryo is part of the MMFF Execom, di ba?

“He called me on my cell and he congratulated me kasi ang ganda raw ng movie namin.

“Siyempre, natuwa naman ako because it’s coming from none other than Direk Maryo.

“Natuwa ako because hindi naman kami gano’n ka-close ni Direk Maryo.

“Magkakilala kami kasi we bump into each other every now and then sa mga film festivals.

“The fact na inalam pa niya ang number ko para sabihin na maganda ang movie namin, we felt like a winner already.

“Kaya nakakagulat na he suddenly passed away. Another great Filipino director has joined our Creator.

“Siguro nga, it wasn’t meant to be na mapasama ang My Fairy Tail Love Story sa MMFF.

“It was meant for Valentines Day 2018,” ngiti pa niya.

Makakalaban ng My Fairy Tail Love Story sa opening day nito on February 14 ay ang Marvel film na Black Panther.

Pero confident si Direk Perci na may market na sila para sa pelikula nina Elmo at Janella.

“Kaya nga gusto namin ng G rating from the MTRCB, para the whole family can watch.

“Magkaiba naman ang market ng movie namin at ang Marvel movies.

“But, of course, we want sana na mas maraming manood ng pelikula namin kasi it’s a Pinoy film na tiyak na mag-e-enjoy sila at sulit ang ibabayad nila,” paninigurado ni Direk Perci.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN