Will Bela Padilla try her hand at directing this year?

Bela Padilla on possibility of venturing into directing: "Pero iyon e, parang I want to see first how the year will go. Kasi right now meron nang nakasalang na susunod na movie."


Malayu-layo na rin ang narating ni Bela Padilla.

Mula sa pagiging aktres, masasabing nag-level up na siya mula noong pinasok niya ang scriptwriting para sa pelikula.

Kabilang sa mga pelikulang isinulat niya ay ang Last Night at ang Luck at First Sight, na parehong ipinalabas noong 2017.

Co-writer din siya ng pelikulang 10,000 Hours (2013), at bukod pa rito, kasama rin siyang co-producer ng pelikulang Camp Sawi (2016).

Base sa box-office ratings at reviews ng kanyang mga obra, marami ang naniniwalang malaki ang potensyal ni Bela sa kanyang mga proyekto sa likod ng kamera.

Ngayong taon, panibagong challenge naman ang susunod na papasukin ni Bela: ang pagdidirek.

Si Bela mismo ang nag-reveal nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang tanungin namin siya kung wala ba siyang planong maging direktor.

Nakapanayam namin si Bela sa prescon para sa pelikulang Meet Me in St. Gallen na naganap nitong noong January 26 sa Plaza Ibarra, Timog Ave., Quezon City.

TOTAL FOCUS. Panimula niya, “Actually, in-offer po ako nila Direk Joyce [Bernal], and in-offer din po ako ng Star Cinema.

“Any movie that I will write, parang they want me to direct it.”

Kailan ito?

“Pero iyon e, parang I want to see first how the year will go.

“Kasi right now meron nang nakasalang na susunod na movie.

“So, before I start something new, katulad nun di ba sabi ko sa inyo, gusto kong focused ako sa isang bagay, I have to really focus on that.

“Parang they deserve my more-than-a-hundred-percent attention.

“Kasi especially directors, alam natin sa set, iyon yung captain talaga ng ship, e.

“Hindi lang isang tao ang iniisip mo.

“Bilang artista kasi ang iniisip ko lang ang role ko, e.

“Bilang direktor iisipin mo na lahat, so do I have enough to think of everybody and take care of everybody?

“Parang I think I’m not there yet,” pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ganun nga ang plano ni Bela, posible palang sa loob ng ilang taon ay siya na ang magiging next Joyce Bernal?

Bulalas ni Bela, “Sana i-train niya ako na maging next Joyce Bernal.

“At si Direk Irene [Villamor na director naman ng Meet Me in St. Gallen] din, iba-iba sila ng flavour.”

Incidentally, si Direk Joyce ay isa sa mga producers ni Bela (at Carlo Aquino) sa pelikulang Meet Me in St. Gallen.

GETTING A HEADSTART. Naikuwento ni Bela na nag-apprentice din siya kay Direk Joyce sa pelikulang Last Night na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, bukod sa pagsulat niya ng script nito.

Natatawa niyang pag-alala, “Inutusan niya ako, ginawa niya akong crowd control.

“Tsaka ako yung kumukuha ng damit ni Piolo.

“Basta may time basta wala akong taping nun, dumidiretso ako sa set, so kahit half day, ganyan.”

Tinuruan na rin ba siya ni Direk Joyce tungkol sa mga anggulo ng kamera?

Lahad niya, “Hindi pa masyado.

“Mas yung attitude sa set, yung pakikisama mo sa staff mo, mas ganun, mas [sa] relationships.

“Parang, sabi niya yung shots kasi would come to my head, how I see the script, kung anumang script ang ibigay sa iyo.

“It would depend on the script.”

Produced ng Spring Films at Viva Films, ipapalabas sa mga sinehan ang Meet Me in St. Gallen sa February 7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN