Marian Rivera hopes to work with Sharon Cuneta, Vilma Santos in a movie

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera renewed her contract with GMA Network today, February 5, 2018.



Isa sa mga nais makamit ni Marian Rivera ngayong 2018 ay ang mapanood uli sa pelikula.

Ngayong araw, February 5, muling pumirma ng 3-year exclusive contract si Marian sa GMA Network kasama ang manager nito sa Triple A na si Rams David. 


Sa press conference na ginanap matapos ang contract signing, sinabi Marian na bukas ang kanyang pinto na gumawa ng bagong pelikula sa taong ito.

Aniya, "Sana gusto ko, gagawa talaga kasi sabi ko parang yun na lang yung kulang sa akin. 

"Parang na-miss ko gumawa ng movies, so magta-try kami this year."

Noong 2014 pa huling napanood ang Kapuso actress para sa pelikulang My Big Bossing's Adventures kasama sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Ang asawa niya na si Dingdong Dantes ang humihikayat sa kanya na gumawa muli ng pelikula. 

Kuwento ni Marian, "Actually, yung asawa ko yung isa sa nagpu-push sa akin na, 'Bakit di ka gumawa ng pelikula? Mag-indie ka, mag-ganito ka.'

"Kasi dati parang sarado yung isip ko sa ganun, parang sabi ko, 'Ay, ayoko nun, parang hindi ko kaya.'

"So isa siya sa mga dahilan kung bakit na-open din yung isip ko, bukod sa management ko na, 'Ay, oo nga 'no? Bakit di kaya ako mag-try ng something new naman na movie,' pang-Cinemalaya, mga indie films."

Tinanong ang 33-year-old Kapuso actress kung nais ba nitong makatrabaho ang kanyang ninang sa kasal na si Sharon Cuneta.

Kamakailan lang ay naging viral ang pabirong hamon ng Megastar kay Marian na magkaroon sila sa isang singing showdown.

(Read: Sharon Cuneta challenges Marian Rivera to singing showdown; GMA-7 actress reacts)


Hindi naman nagdalawang-isip sabihin si Marian na sabihin isa ito sa kanyang mga pangarap.

Aniya, "Ay gusto ko 'yan, siyempre yung mga talagang beterana at napakahusay na artist.

"Sino ba namang hindi gusto makasama ang mga ganyang artista, 'di ba? Pangarap yan, nasa bucket list 'yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa pang nais niyang makatrabaho sa pelikula ay si Vilma Santos, ang ninang niya sa kasal at Lipa City Congresswoman.

"Si Ate Vi din, oo ninang ko din yun, mga ninang ko sila. Malay mo naman, magdilang anghel kayo at makagawa ako ng pelikula kasama sila."

Natanong din si Marian kung papayag ba itong makapareha ang mga leading men mula sa ibang TV network para sa pelikula.

Sagot naman nito, "E, mahirap pangunahan ang wala pa pero kung meron at may pagkakataon, bakit naman hindi, 'di ba?"

Sa huli, sinabi ni Marian na kakailanganin din nitong tanungin si Mother Lily Monteverde ng Regal Films.

Aniya, "Nakakontrata kasi ako kay Mother Lily, e, so na kay Mother Lily din talaga ang pasya e."

MARIAN AS MENTOR. Samantala, napaisip din si Marian sa posibilidad na maging mentor sa isang Kapuso talent in the future.

Ayon kay Marian, mabigat na responsibilidad ang maging mentor sa mga nakabababatang artista ngunit papayag naman siya kung sakaling mangyari ito.

Paliwanag nito, "Mabigat yung ibig sabihin ng mentor, e. Ibig sabihin kailangan yung ibibigay mo at ilalabas mo sa bibig mo, e, yung na-experience mo.

"Siguro why not? Kung ise-share ko kung saan ako nagsimula kasi very proud ako na nagsimula ako sa TAPE hanggang sa nag-GMA ako na first role ko sa GMA is nanay ako.

"So ibig sabihin, hindi basehan yung character na ibinibigay sa 'yo. Ang mahalaga, kung paano mo siyan dinidibdib, kung paano mo siya ipo-portray at kung paano mo mamahalin yung trabaho mo."

Tinanong din si Marian kung sino sa mga Kapuso talents ang napapabilib siya kapag napapanood ito.

Sagot ni Marian, "Actually, ang nakikitaan ko talaga na sinasabi ko, tuwing magkasama kaming dalawa, si Barbie [Forteza] talaga."

Dagdag pang paliwanag nito, "Kasi very transparent din yung bata, mahal din niya yung trabaho niya, mapagmahal siya sa pamilya niya. At ang trabaho sa kanya, trabaho talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta challenges Marian Rivera to singing showdown
Sharon Cuneta challenges Marian Rivera to singing showdown
What's next for Marian Rivera after <em>Super Ma'am</em>?
What's next for Marian Rivera after Super Ma'am?
Marian Rivera to take break from TV after <em>Super Ma'am</em>
Marian Rivera to take break from TV after Super Ma'am
<em>Super Ma'am</em> becomes one of most-buzzed-about new shows worldwide
Super Ma'am becomes one of most-buzzed-about new shows worldwide




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN