Why Kiko Estrada refuses to play third wheel to ex-girlfriend Barbie Forteza and Jak Roberto

IMAGE Noel Orsal

Kiko Estrada says he doesn't want to accept a third party role when it is with his ex-girlfriend Barbie Forteza and her current boyfriend Jak Roberto. But this is not because of any ill feelings toward Barbie and Jak. He explained, "I just don't like the role. If the role is nice, I would accept."



Walang kaso kay Kiko Estrada kung third wheel siya kina Janella Salvador at Elmo Magalona sa My Fairy Tail Love Story na pelikula ng Regal Entertainment Inc. for Valentine’s Day.

“Sobrang ganda ng role ko po.”

Inamin ni Kiko na nag-audition siya para sa role ni Ethan.

“I love auditioning,” sabi ng teen star na anak ni Gary Estrada.

May iba kasing artista na ayaw sumailalim sa auditions.

Paliwanag ni Kiko, “Para naman masabi nila, ‘Okay, perfect siya sa role!’

“So I really work hard for it and hindi naman siya love triangle.

“I view it as, ito yung role ko, iyon yung role nila and pagandahin natin ang pelikula na ito, kasi para sa ating lahat naman ito, e.

“Ganun din yung concept nina Janella and Elmo kaya sobrang gaan nilang katrabaho.

“Sobrang gusto ko silang katrabaho.”

Pinuri rin ni Kiko ang direktor ng kanilang pelikula na si Perci Intalan.

“I love working with this guy! Sobrang galing na direktor ni direk Perci, I’m so blessed!”

Papayag ba si Kiko kapag may movie project na magkakasama sila ng ex-girlfriend niyang si Barbie Forteza at ang current boyfriend nitong si Jak Roberto, pero siya ang third wheel?

“No, no, no.”

Papayag daw siya kung siya ang leading man.

“I pick my roles,” sambit ni Kiko.

So papayag nga siya kung siya ang leading man?

“Why not? That’s work.”

Pero kung third party ay ayaw niya.

“I don’t think I deserve to be a third party.”

"I think I won Best Actor for Sinungaling Mong Puso and I don’t think I should be a third party,” natawang sagot ni Kiko.

Nagwagi si Kiko bilang Best Actor sa World Class Excellence Japan Awards noong January 2017.

Patuloy pa niya, “Barbie has a new show with Derrick [Monasterio] and I’m happy for her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So kapag sina Barbie at Jak ay hindi siya papayag pero kapag si Barbie lang ang kasama niya sa project ay papayag siya?

“It’s work, kung siya yung binigay sa akin.

“Kung sino yung available na GMA artist that they wanna partner with me, it’s okay.

“My thing is I don’t have a problem with Jak.

“Since, like, I think I work hard for the roles that I get and I think I worked hard sa posisyon ko ngayon, I get to pick my roles so why would I pick a triangle [third party role]?

“I think I deserve more.”

Kung siya ang leading man at si Jak ang third party ay okay sa kanya?

“I don’t mind. Actually, I don’t really… hindi ako pabor pero pag iyon ang trabaho ang kapal naman ng mukha ko para tanggihan.

“You know. I just wanna be polite and if it calls for the time for me and Barbie to work together, she knows that I’m down to it, just give me a call.

“I was her love triangle with Andre [Paras in That’s My Amboy].”

Pero sa kaso nina Barbie at Jak, alam ni Kiko na in real life ay may relasyon ang dalawa at bilang ex-boyfriend ni Barbie, mao-awkward ba si Kiko?

“Actually no. I just don’t like the role. If the role is nice, I would accept.” 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN