Yam Concepcion recalls kissing scene with Paolo Ballesteros: "Ini-imagine ko na lalaki siya."

IMAGE Jocelyn Dimaculangan

Yam Concepcion (left) on kissing scene with Amnesia Love leading man Paolo Ballesteros (right): "Hayun, ini-imagine ko na lalaki siya. Kasi ang daming kamera, walang point na magiging personalan. It's part of the script, kaya namin ginawa. Pero being uncomfortable with each other, parang hindi naman. Wala."


Sa pelikulang Amnesia Love ng Viva Films, merong kissing scene ang sexy actress na si Yam Concepcion at ang kanyang leading man na si Paolo Ballesteros.

Dahil dito, kinumusta namin kay Yam ang kissing scene nila ni Paolo.

Pakli niya, "Yun, malambot yung lips niya."

Sabi pa niya, "In fairness kay Pao, maalaga siya, maaalalay siya sa entire scene.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yam sa grand prescon ng Amnesia Love na ginanap sa Le Reve Events Place, Quezon City noong February 8.

Ano ang pakiramdam niya na si Pao ang ka-kissing scene niya?

Diretsahang sagot niya, "Hayun, ini-imagine ko na lalaki siya.

"Kasi ang daming kamera, walang point na magiging personalan.

“It's part of the script, kaya namin ginawa.

"Pero being uncomfortable with each other, parang hindi naman. Wala."

Hindi ba sila nagka-ilangan?

Sagot ng Kapamilya actress, "Hindi... nag-enjoy kami.

"Nahiya ako sa kanya, pero okey lang.

"Maalaga naman siya."

Mabuti at walang magseselos sa kanya kahit alam naman ng lahat na meron na siyang non-showbiz boyfriend.

Giit niya, "Wala nga, e.

"Bumalik na siya sa States, kaya mag wu-work na lang ako sa [February] 14 [Valentine's Day].

"LDR [long-distance relationship] kasi kaming dalawa, pero okey naman, keri naman."

Ang US-based boyfriend niya ay si Miguel Cu-Unjieng.

PAST RELATIONSHIP WITH EJAY. Samantala, kinumusta rin namin kay Yam ang nakaraan nila ni Ejay Falcon.

Matatandaang nagkaroon sila ng short-lived relationship noong panahong pareho silang kasama sa cast ng Dugong Buhay (2013) ng ABS-CBN.

Ngayong may kanya-kanyang relasyon na sila, maituturing na ba ni Yam bilang isang kaso ng “amnesia love” ang nakaraan nila ni Ejay?

Nakatawang sagot ni Yam, "Ewan ko. Parang... ano ba ang nangyari sa amin ni Ejay?

"Matagal na ata... matagal na kasi yun, e.

"Kaya, oo nga, nagka-amnesia love ako. Nakalimutan ko na rin."

Bakit nakalimutan na niya ang episode na yun ng buhay niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masyado ba siyang nasaktan?

Ayon sa 29-year-old actress, "Hindi, kasi yung kay Ejay nagka-debelopan kami dahil sa Dugong Buhay.

"Yun lang yun.

"But more than that, it wasn't anything deeper, you know.

"So yun. Kasi, siya ang pinakaunang naka-partner ko, nakaparehas ko.

"So ang daming nagtutukso, nadala ako.

"Yung, 'Oy, tinutukso kami, bagay daw kami.'

"Parang na-carry over ko rin yung character namin dun sa Dugong Buhay, kasi puro halikan, puro sexual tensions yung hinihingi. So yun."

Ngayon ay okey naman daw sila ni Ejay.

Aniya, "Oo, okey naman kami ni Ejay.

"Nagkatrabaho kami sa Ang Probinsyano.

"Okey kami."

Sa February 28 na mapapanood ang Amnesia Love, sa direksiyon ni Albert Langitan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN