Nathalie Hart reveals reason why producers hire her for sexy films

IMAGE Noel Orsal

Nathalie Hart on her sexy image: "Sometimes, it's hard for me to find a proper partner kasi hindi nila matanggap ang trabaho ko."


Ang pagpapainit sa mga manonood ay role lamang daw para sa sexy actress na si Nathalie Hart.

Paliwanag ng StarStruck Season 5 alumna, “They hire you for a specific role na sexy.

"Of course, you have to be ano… parang mukha kang totoo na malandi ka talaga or something, that’s why they hire me.

"Kasi alam nila na maibibigay ko yung kailangan nila sa pelikula."

Nagsimulang umugong ang pangalan ni Nathalie—na unang nakilala bilang Princess Snell—sa pelikulang Siphayo (2016), kung saan una siyang nagpa-sexy.

Masasabi ba niyang nata-typecast na siya sa mga sexy movies?

Tugon niya, “Well, now I’m doing comedy.

"And I’m so happy, I’m not sexy in that comedy. It’s G-rated.

“Siguro, dito lang siguro ako nagsisimula sa pagpapa-sexy, but everyone…

"Lahat naman nagsisimula somewhere, e, di ba?

"Di ba, ang opportunity lang na naibigay sa akin, ito nga.

"Ngayon ko pa lang naipakita yung puwede kong gawin talaga sa mainstream [films].”

Sa pagpapa-sexy nagkaroon ng panibagong ningning ang kanyang karera.

Masasabi ba niyang malaki ang naitulong nito sa kanya?

Pag-amin ni Nathalie, “Doon ako nagsimula ulit para mapansin ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nathalie sa grand presscon ng pelikulang Sin Island, ngayong Lunes ng hapon, February 12.

Kasamang humarap sa press ni Nathalie ang co-stars niya sa pelikula na sina Xian Lim at Coleen Garcia.

Ipapalabas ang Sin Island simula sa Valentine’s Day, February 14.

INDECENT PROPOSALS? Kahit nagpapa-sexy siya, hindi naman daw nakakatanggap ng indecent proposals si Nathalie.

Maayos din daw siyang inaalagaan ng kanyang management, at religious daw ang kanyang manager.

Ano ang mga hindi magandang naidulot sa kanya ng kanyang sexy image?

Lahad ni Nathalie, “In terms of my private life, kasi sa mga nami-meet kong tao, especially sa mga lalaki, it’s very hard for me to… it’s hard for them to understand my job.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, I’m very insecure in that aspect.

"Sometimes, it's hard for me to find a proper partner, kasi hindi nila matanggap ang trabaho ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN