Allen Dizon's film on incest initially got X rating from MTRCB for this reason

IMAGE Allan Sancon


Overwhelmed si Allen Dizon special recognition award na ibinigay sa kanya ng Film Development Council of the Philippines. Ang recognition na nakuha niya ay para sa Best Actor na napanalunan niya sa kanyang latest indie film na Bomba sa 16th Dhaka International Film Festival na ginanap sa Bangladesh.

Personal na tinanggap ni Allen ang kanyang award mula sa FCDP Chairperson na si Liza Dino sa ikalawang Ambassador’s Night na ginanap sa Sampaguita Gardens, New Manila, Quezon City.

“Nakaka-proud and thankful, syempre ano, after nung pinagpaguran namin binigyan ka ng recognition sa abroad at sa Pilipinas. Malaking bagay yun para sa akin. Malaking inspirasyon. Nakaka-inspire gumawa ulilt ng maraming pelikula,” bungad ni Allen noong makausap namin siya sa red carpet ng Amabassador’s Night ng FDCP.

Ang pagkilala at pagbibigay karangalan bilang Film Ambassador ng FDCP ay ang ika-27 award na natanggap niya dito sa Pilipinas. Samantala, naka-ipon na siya ng anim na Best Actor awards mula sa iba’t ibang international film festivals.

May sawa factor na ba siya sa pagtanggap ng award?

“Hindi naman everyday may awards night, e. Once in a while lang naman tayo nagkaka-award. Sana everyday may awards night,” sabay tawa ni Allen.

Ano ang kwento ng Bomba?

“Hindi siya tungkol sa military. Ang akala mo ‘pag Bomba, dalawa lang yun, either sexy film or literal na bomba na sumasabog.

“Sa amin naman, tao ang sumasabog. Kasi pipi ako sa film ko. So, parang kinimkim ko lahat, hindi ko masabi hanggang sa sumabog na siya.”

Kasama ni Allen sa movie si Angellie Sanoy na nanalo ng Best Actress sa Dhaka film festival.

“Si Angellie, anak siya ng friend ko na siya ang tumutulong sa akin dahil ako nga ay pipi. Sinusuportahan niya ako at napamahal na sa akin yung bata. So, parang nagsama kami sa Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa Quezon province kami don. Pero si Pipo, pangalan ng karakter ko sa movie, so, parang nag-ano siya, nagtrabaho ng marangal, ng maayos pero yung discrimination ng mga tao sa kanya kasi nga pipi siya, e. Parang hindi sila naa-appreciate ng mga tao, ng society.”

True ba na medyo taboo ang movie nila?

Paliwanag ni Allen, “Parang ganoon, kasi mas bata siya, 16 lang siya. Siguro ano, parang ganoon ang pagkakaintindi ng ibang tao sa probinsya, saka sa ibang bansa.

“Pero wala naman talagang pinakita sa film, e. Walang eksenang naghahalikan. Walang physical contact. Pero given na yun.

“Kasi ano, nagsama kami sa isang bubong sa probinsya, tapos nagpinta kami sa Maynila. Parang tinanan ko siya, para lumayao kami at magtrabaho.

“Pinagpaalam ko siya na ako magtatrabaho sa Maynila, at siya naman maga-apply ng maid, ganun. Pero magkasama pa rin kami.”

May release date na ba ang movie na Bomba?

“Nagkaroon kami ng premiere night isa pa lang. Pero nag-world premiere na ‘to sa Warsaw, Poland. Tapos doon ako nanalo, kami ni Angellie sa Warsaw International Film Festival. Best Actor ako, Best Actress siya.”

May iba pa bang pupuntahan na international film festival ang movie nila this year?

“Ah, may naka-line up din itong The Bomb sa Madrid, Iran. Hindi ko pa alam kung sana pa yung iba pero meron pa. Hindi ko lang pa nako-confirm, e.”

Wala sila love scene maski kissing scene sa movie ni Angeli?

“Wala, e, siguro unang-una ano ni Direk Ralston [Jover] parang bawal. Si Direk mismo ang nagsabi sa amin na walang kissing scene, love scene, ganoon.

“Siguro dahil the more na ipapakita mo pa parang mas ano, na [rated] X pa kami.

“Ano lang, sweet kami. Magkasama sa isang bahay. Siyempre automatic na yun, di ba?

“Saka handa naman kami sa kahihinatnan ng movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, na-X nga yung pelikula ng MTRCB.

“Na-X tapos nagkaroon nng deliveration. Hanggang sa naging R-13 ata.”

May cut ba ang movie na ipapalabas for local run sa mga sinehan?

“Ah, hindi,” mabilis na sagot ni Allen.

“Ang nangyari dun, parang yung uniform ng pulis, kasi parang hindi niya inayos ang uniform niya nasa ano siya, although, nasa ano siya, nasa business din siya. Pero parang nakatanggal ang uniform. Naka-white lang, ganyan.

“So, isang reason yun.

“Tapos yun nga, yung relationship nung dalawa. Parang maselan daw kasi bata yung babae.

“Kaya mas inuna na talaga siya ipalabas sa ibang bansa.

“Pero dito sa atin, official entry yung Bomba sa Sinag Maynila.”

Ayon sa producer na si Dennis Evangelista, noong una ay binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board ng X rating ang Bomba dahil wala raw itong "redeeming social values."

Ngunit, sa second MTRCB review, pinaliwanag ng filmmaker at producer ang Bomba at binigyan ito ng R-13 rating without cuts.

Nanalo ba ang movie sa film fests abroad?

“Yung movie, hindi pa siya nanalo. Puro actors pa lang.

“Ang director ng movie namin, si Ralston Jover, siya ang writer ni Direk [Brillante] Dante Mendoza. Siya yung sumulat ng Bakal Boys, Foster Child.

“Pati yung dalawang movie na shino-shoot ko ngayon, yung Latay and Persons of Interest, siya rin ang director ko.”

Nakaka-ilang indie movie siya in a year?

“Minsan apat. Ako travel lang ang gusto ko kapag pinapadala kami sa iba't ibang international filmest. Libre naman, e.”

Naisip ba niya na magdirek din ng pelikula?

“Ang pagdi-direk siguro kailangan mag-aral. Kailangan mag-aral ng mabuti. Sa ngayon, ‘di ko pa ‘yan napapagaralan. Pero gusto ko. Pero ano, acting muna.

“Parang ang daming ano ng dirketor, e, ang daming hawak. Ang dami mo kailangang intindihin. Parang sakit sa ulo, di ba? Hahaha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron pa ba siyang direktor na di pa siya naidirek at gusto niyang makatrabaho?

“Isa na yung ginawa kong huli. Kay Direk Brillante Mendoza.

“First time ko sa kanya sa Bayang Magiliw.

“Pero siyempre, gusto ko pa makatrabaho sina Lav Diaz, di ba?

“Para at least, kumpleto na yung mga award-winning directors lahat na nakatrabaho ko, di ba? Ang sarap, e. Sarap, e. Ang sarap nilang katrabaho.”

Tapos na ba yung movie niya kay Direk Dante (palayaw ni Brillante) kung saan nakatrabaho rin niya for the first time ang aktres na si Judy Ann Santos?

“Oo, tinapos na namin yun before Christmas.”

How was it working with Juday?

“Siyempre nakaka-ano, nakakakaba nung una. Siyempre Judy Ann yun, e.

“Parang ang hirap sabayan, di ba? Pero siyempre through the help of Direk Dante, iba yung atake namin, e. Iba yung gusto niya. Parang lahat controlled, emotions. Parang hindi umaarte. Bawas, bawas.

“So, may mga time na iiyak ka pero bawal, e. Kailangan controlled, e. Minsan okay na, ayaw niya ng drama, e.

“Masarap siyang katrabaho. Hindi siya nagparamdam na superstar siya.

“Para lang tayo na naguusap. Tapos napaka-simple. Napaka-professional.

“Ako kasi, yung mga ganun lalo na may family na siya, may anak na siya. Kasi yung story may anak kami na may cancer, e. So, mother figure na siya. Ako, father figure na rin ako.

“Kumbaga, pareho naming naramdaman yung mg eksena, e. May mga eksena kasi na yung anak namin maysakit. Yung anak namin namatay.

“Halos lahat ng eksena kami magkasama.

“Pero ako, sundalo naman ako. So, parang dalawang mahal niya sa buhay parehong nasa peligro ang buhay. Ako, nakikipaglaban sa gyera, medic ako.

“Tapos yung anak namin may cancer. So, parang ang hirap. Yung dala-dala niya, mabigat. Dobleng hirap niya. Ganun siya kabigat.

Halaw ba sa kwento ng mga sundalo sa Marawi ang kwento ng movie nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, tungkol din doon. Pero mas on sa pamilya, e.”

Kumusta naman ang unang pagtatrabaho niya kay Direk Dante?

“Yung mga first scenes ko with Direk Dante parang nangangapa kami pareho. Ako, nangangapa sa kanya.

“Sa akin, parang sinasabi niya parati, gawin mong more natural. Huwag kang umarte. Gawin mo’ng ganyan, bawas, or, ayan, okay ‘yan.”

Kumpara sa ibang direktor, paano niya idi-describe si Direk Dante?

“Napaka-cool niyang director, e. Napaka—cool lang niya. Parang hinahayaan lang niya kami. Bahala ka na kung anoang gusto mong gawin. “

Paano niya mino-motivate ang mga artista niya?

“Sasabihin lang niya, ‘O, eto, ha.’ Yung mga drama scenes eto lang ang sasabihin niya, ‘O, eto , namatay ‘yung anak mo dito. Ikaw nang bahala kung ano ang gagawin mo. Pero huwag masyado. Ano lang, ganyan lang. Huwag sobra.’

“Pero every time naman na sinasabi niya yun parang alam ko na yung ibig niyang sabihin, e. Alam ko na yung gusto niya.

“Oo, tiwala naman siya. Saka nauna na yung ibang scenes, e.

“Nauna na yung mga eksena kasama ang anak namin with Judy Ann. Tapos kami yung huli. Parang Judy Ann, Judy Ann. Tapos bata, bata. Nung sa sundalo na, puro,sundalo na kaming lahat.

“So, parang una na yung mabibigat na eksena. Parang seven days kami ni Judy Ann na nagkasama sa shoot para tapusin lahat ng eksena namin. Ang shooting naming natapos kami total of 25 days, e.”

Ni-research ba niya yung character niya sa movie?

“Ah, actually, yung kasama namin sa film, totoong sundalo. Mga totoong sundalo yung mga kasama namin sa shooting. So, from there pa lang, siyempre, nakakausap ko yung mga totoong sundalo, mga namatayan. May mga nasugatan, naputalan ng paa, naputol ng kamay.

“So, doon pa lang may nakakapag, kumbaga, doon pa lang parang nakaka-motivate na ako. Parang napi-feel ko na kung paano maging sundalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung iba pang sundalo sa set, galing din mismo sa Marawi.

"Nakipaglaban doon. So, ang laking tulong dahil totoong mga sundalo ang kasama ko. Tapos mga totoong pamilya nila. Kapag umuuwi sila once a year, minsan hindi pa.

“Tapos yung kinakain nila hirap na hirap dahil mula sa gyera buhat-buhat nila siguro mga 30 to 40 kilos. May bigas, pagkain. Iba pa yung mgba baril nila, yung mga ano nila, ganun kahirap.”

Kailan ipapalabas ang Bayang Magiliw?

“Wala pa, e, Bayang Magiliw ang working title namin. Pero hindi pa sigurado kung yun ang gagawing title. Kasi nagkaroon na ng movie na ganun ang title. Kay Gil Portes ata, e. So, baka ibahin.

“Saka sinasabi ni Direk Dante, ‘Wala, matagal pa yun.’ Wala pang playdate.

“Pwedeng this year, next year, parang ganoon.

“Pero tapos na yung movie. Parang sinasabi niya, 'Siguro, mage-edit ako six months.'

“Feeling ko lang, siguro gusto niya festival talaga.

Pang-Metro Manila Film Festival kaya ito?

“Pwede siguro,” ‘di tiyak na pagtatapos ni Allen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN