Donny opens up about being paired with Kisses; Walwal director denies movie is remake of Pare Ko

IMAGE Noel Orsal

Donny Pangilinan to star in the upcoming Regal Films movie Walwal to be directed by Jose Javier Reyes.



Excited na ABS-CBN host/actor na si Donny Pangilinan dahil sa mga susunod na araw ay magsisimula na ito mag-taping para sa pelikulang Walwal na ididirek ni Jose Javier Reyes.

Isa si Donny sa apat na bida kasama sina Elmo Magalona, Kiko Estrada, at Jerome Ponce.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro ng press si Donny sa launch ng MYX Music Awards 2018 na ginanap sa 9501 restaurant sa ELJ Communications Center, Quezon City.

Dito ibinahagi ni Donny ang karakter na gagampanan niya sa pelkila.

Ayon kay Donny, "Ako po si Bobby, a wannabe filmmaker and I'm gonna have to prove to everyone that this is really what I want to do.

"Millennial movie siya and marami kaming pinagdadaanan as a group, as a barkada and we have to go through it together.

"It will show a different side of millennials that I think isn't usually shown."

Kinumpirma din ni Donny na ang dating Pinoy Big Brother teen housemate na si Kisses Delavin ang gaganap sa kanyang magiging love interest sa pelikula.

Kaya naman, natanong ng press ang MYX VJ kung na-pressure ba ito na maging matagumpay ang tambalan nila ni Kisses?

Sagot ni Donny, "Wala naman, wala naman pong pressure kasi right now, we're just working on the movie together.

"Nandun po yung focus ko, working. I'm very excited to start my very first movie kasi wala pa akong movie and this is my debut.

"So I'm just gonna get into character and just be focused and let's see what happens."

May kilig scenes kaya sila sa pelikulang ito?

Pahayag ni Donny, "Tignan na lang natin, tignan na lang natin."

Samantala, masaya naman si Donny na makatrabaho sa unang pagkakataon sina Elmo, Kiko, at Jerome lalo't maganda ang simula ng kanilang samahan.

Kuwento ng 20-year-old Star Magic talent, "Grabe nung first day, nag-click talaga kami. I didn't expect us to get along that quickly but kelangan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We didn't even need to try, parang we're just very similar and then nagworkshops kami full day and then nag-click talaga yung mga personalities namin.

"I think it's gonna be very fun kasi next week na yung start ng shoot so I'm super excited."

Nagpapasalamat din si Donny si kanyang mga co-stars sa pagtulong nito sa kanya lalo't ito ang kanyang kauna-unahang pelikula.

Saad pa ng Kapamilya host, "Ang dami ko ngang terms na hindi alam on the set so ngayon parang sponge lang ako.

"I try to take in all of the information I can and learn from these people kasi may experiences na sila, e.

"I'm just gonna try my best to do my very best and learn from the people who have come before me."

Bilang baguhan sa larangan ng pelikula, maigi raw pinaghandaan ni Donny ang kanyang karakter.

Pahayag nito, "It's something I really have to dig in to, yung mga old movies na hindi ko pa pinapanood before, I have to watch it now.

"And yung mga references na quotes from movies, I have to be very aware of that.

"And I want to be the next Brillante Mendoza sa movie so that has to be my mind set.

"And I'm gonna be reading a lot of scripts and and watching a lot of movies so I'm excited."

Dagdag pa ni Donny, "Kailangan kasi I don't want to take this character lightly e, 'cause there's a lot of things you can prove in this movie.

"He [the character] has a lot of doubters in the movie so I have to prove that he should follow his dream and kayang kaya niya."

Bukod sa panonood ng ibang pelikula at pagbabasa ng script, isa pang paghahanda na ginagawa ni Donny ay ang pag-attend ng workshops.

Kuwento nito, "We had a full day workshop under Regal Films and, of course, I've been doing workshops with Star Magic and I'm starting again so on-going.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You have to keep learning and never quit learning."

WALWAL NOT REMAKE OF PARE KO. Ayon sa isang artikulo na na-publish recently sa isang broadsheet, sinabi na ang Walwal ay remake ng Pare Ko.

Ang Pare Ko ay ang 1994 barkada movie na pinagbidahan nina Mark Anthony Fernandez, Jao Mapa, Jomari Yllana, Victor Neri, Gio Alvarez, at Claudine Barretto.

Ngunit, si Direk Joey ay nag-post sa kanyang Twitter account ng announcement na ito:

"Just to clarify: #WALWAL is a barkada movie involving 4 college sophomores but it is NOT, I repeat, it is NOT a remake of #PareKo done for Star Cinema in 1995"



Stories We Are Tracking

Marco Gallo gets first project after falling out with Kisses
Marco Gallo gets first project after falling out with Kisses








WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN