Oliver Aquino makes movie comeback via Tale of the Lost Boys

Oliver Aquino (left) top-bills the Sinag Maynila 2018 entry Tale of the Lost Boys. This movie features threesome and love scene between two guys.



Ang former teen actor-singer na si Oliver Aquino ang bida sa Sinag Maynila 2018 entry na Tale of the Lost Boys.

Formerly known as Mhyco Aquino, si Oliver ay dating Star Magic talent at former member ng ASAP boy dance group na AnimE kasama sina Rayver at Rodjun Cruz.

Ipapalabas ang Director’s Cut: Ode to Friendship ng Tale of the Lost Boys sa March 9, Biyernes, ng 9 pm sa SM North EDSA.

Ang naturang pelikula ay idinirek ni Joselito Altarejos at pinagbibidahan rin ng aktor na si Ta Su na gumaganap bilang Taiwanese gay student.

Ang Tale of the Lost Boys ay isa sa limang full-length entries ng Sinag Maynila 2018. Ito ay gagawin mula March 7-15 sa SM Mall of Asia, SM Megamall, SM North Edsa, SM Fairview, SM Southmall, and SM Bacoor, SM Manila, and SM Sta. Mesa.

“It's different from the one I showed in the festivals abroad,” sabi ni Direk Altarejos, na nagdirek din ng Ang Lalake sa Parola (2007), Ang Lihim ni Antonio (2008), at Kasal (2014).

Iba ang ending ng Director’s Cut sa version na naipalabas sa ibang bansa.

“Hollywood ang cut sa international version. Mas pinag-aralan ko lang ang pelikula,” paliwanag ni Direk Altarejos.

“Maayos din naman yung isang version. Nagkaroon lang ako ng time to reflect on what I want to say about the film.”

Is this the definitive version?

“You can call it that way. But with the technology now, we can have different versions. We can suit it for example, for Instagram or Facebook.”

Iba pa rin ang experience pag pinanood ang pelikula sa big screen.

“True. But a 4x3 video is also different for the kids now. Cool sa kanila iyon.”

Karamihan sa mga pelikula ni Direk Altarejos ay itinuturing na gay films. Kahit may gay character sa Tale of the Lost Boys, at may love scene dito ng dalawang lalaki, nanindigan siya na hindi ito “gay film.” Meron ding eksena ng threesome sa pelikula.

Sabi pa ni Direk Altarejos, “I love this film because it's part of my therapy after my mania attack.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Provocative ang isang pelikula si Direk Altarejos na wala pang final edit, ang Death By Gokkun na pinagbibidahan nina Oliver Aquino at Angela Cortez.

Ayon sa Wikipedia, ang gokkun ay “Japanese term for sexual activity in which a person consumes the semen of one or more men, usually from some kind of container.”

Ito ba ang pinaka-risque (scandalicious) film niya?

“Ha ha ha ha. I’m restudying it. I have a different style now. Mabagal na.”

Noong 2017, nanalo ang Tale of the Lost Boys bilang Best Feature Film sa Serile Filmului Gay International Film Festival in Romania.

Bahagi rin ito ng Outfest Fusion sa Los Angees from March 9-13, 2018.



Stories We Are Tracking

PEP Guide to Sinag Maynila 2018
PEP Guide to Sinag Maynila 2018
Tippy Dos Santos opens up on rape scene for <em>Abomination</em>
Tippy Dos Santos opens up on rape scene for Abomination




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN