Are newbies Donny Pangilinan and Kisses Delavin being groomed as a love team?

IMAGE Nice Print Photo

MYX VJ Donny Pangilinan is paired with Kisses Delavin in his first acting project: "I'm super excited to start shooting. She's very nice and simpleng tao, we're friends."


Si Donny Pangilinan ang naging escort ni Kisses Delavin sa debut noong May 2017 sa Makati Shangri-La.

Dito pa lang ay marami na ang nakapansin na may chemistry ang dalawa sa kabila ng balitang ipapareha noon si Kisses kay Marco Gallo na nakasama nito sa Pinoy Big Brother: Lucky 7.
   
Nabuwag na ang KissMarc love team, at bali-balita na ang pinagpipilian daw na ipapareha kay Kisses ay sina Tony Labrusca at Donny.  

Ngayon ngang kumpirmado nang magkakasama sina Kisses at Donny sa pelikulang Walwal, mukhang mauunang i-launch ang tambalan ng dalawa.

Lahad ni Donnie, “As of now, that’s what's happening, I’m super excited to start shooting.”

Iikot ang istorya nito sa mga millennials tulad niya na gagampanan nina Jerome Ponce, Elmo Magalona, at Kiko Estrada.

Makakatambal niya rito si Kisses at ayon kay Donnie, “She’s very nice and simpleng tao, we’re friends.

“Lumalabas? Hindi, pero nagkikita kami sa ASAP Chillout every Sunday, we are hosts there.”

Wala pa raw girlfriend si Donny, “I don’t have.”
 
Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Donny sa announcement of nominees ng MYX Music Award 2018 nung February 28.

FIRST ACTING PROJECT. MYX VJ si Donny at ang Walwal ng Regal Films ang maglulunsad sa kanya bilang aktor sa pelikula.

Marami na raw siyang preparations na ginagawa, at may mga payo rin daw sa kanya ang inang si Maricel Laxa na kilala bilang isang mahusay na aktres.
   
“Ang dami sobra, ang role ko dito is filmmaker, e, I really have to know a lot of old movies, a lot of new movies.

“Kung paano ba ang mindset ng isang filmmaker.
    
“Keep working hard, don’t take a script lightly, kailangan lahat ng lines mo ay masabi mo at ma-reflect yung character mo.

“Siyempre yung pagsabi ng lines, yung pagbigkas mo, kailangan maayos.”
   
Samantala, masaya at ine-enjoy raw nang husto ni Donny ang pagiging isang Myx VJ.
    
“Sobrang saya lang, parang di ka nagtatrabaho, we’re very close to each other, the Myx Squad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This is my second MYX Music Awards, and it’s a different set of MYX VJ.

“We’re getting along, sobrang saya lang.”
 
MYX MUSIC AWARDS. Excited naman si Donny sa nalalapit na MYX Music Awards 2018 lalo’t gaganapin ito sa mas malaking venue at dadaluhan ng mga OPM artists.
   
“It’s a yearly event, we showcase different artists who are recognized for their amazing work, and their hard work and dedication," pahayag ni Donny.

“Sobrang exciting kasi nakikita natin yung OPM, how it evolves every year, and kung sinu-sino ang kailangang dapat abanganin the next couple of years.

“It’s just a fun way of seeing what OPM is like.”
   
“Every year, it gets more intense, I’m just so excited to see what will happen.

“Siyempre, nasa Araneta Coliseum din, sobrang laki ng venue kasi last time in Kia Theater.

“This year it’s gonna be very huge, I’m sure it’s gonna be amazing talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN