Mark Anthony Abujeco, aka Snake Princess, gets big break via Visayan movie

Mark Anthony Abujeco, aka Snake Princess, the 19-year-old Cebuano internet sensation, finally gets his first big break via the movie Magbuwag Ta Kay. 


Pangarap ni Mark Anthony Abucejo, aka Snake Princess, ang maka-penetrate sa mainstream showbiz.

Mukhang magkakatoo na ang pangarap ng 19-year old Cebuano internet sensation dahil nakamit na niya ang kanyang big break sa pamamagitan ng Visayan movie na Magbuwag Ta Kay, na may English title na Let’s Break Up ‘Coz… ng Heritage Productions.

Snake Princess ang ginagamit na screen name ni Abucejo dahil favorite niya si Snake Princess, isang cartoon character na napanood niya sa Cartoon Network.

“E, kasi maganda po si Snake Princess, tapos seksi siya.

“Maganda ang powers niya, magiging bato ka kapag tinamaan ka niya,” sabi ni Snake Princess na may 4 million hits sa isa sa kanyang mga YouTube videos.

HUMBLE BEGINNINGS. Limitado ang kaalaman ni Snake Princess sa pagsasalita sa wikang Tagalog kaya may kasama siyang interpreter nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“Nararamdaman ko na magiging masaya ako kapag naging artista ako.

“Pangarap ko nga talaga na palagi akong makikita sa TV.

“Yung mga parents ko, sa akin umaasa.

“Mahirap lang kami, naghahanap ako ng niyog para makakain lang kami.

“Ibinebenta ko para makabili ako ng pagkain sa karinderya,” malungkot na kuwento ni Snake Princess na nakaranas ng bullying noong bata pa dahil gay siya at unang bakla sa pamilya niya.

BIG FAN OF VICE GANDA. Dahil sa sobrang kahirapan, Grade 3 lang ang natapos ni Snake Princess na big fan ni Vice Ganda.

Gustung-gusto ni Snake Princess na makita nang personal si Vice Ganda dahil minsan na siyang naloko ng isang impersonator ng TV host-comedian na nakilala niya sa Cebu.

May tattoo rin daw sa leeg ang gay impersonator ni Vice Ganda kaya matagal nitong napaniwala si Snake Princess na siya talaga ang Unkabogable Star.

Nanlumo si Snake Princess nang malaman niyang fake Vice Ganda pala ang gay comedian na inidolo niya sa Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Idol na idol ko po si Vice Ganda.

“Matagal ko na siyang pinapangarap na makita in person.

“May nakita ako doon sa Cebu na kamukha ni Vice Ganda dahil may tattoo rin sa leeg.

“Akala ko po totoo pero hindi naman pala.

“Ipinu-post ko pa ang litrato namin, fake pala kasi marami ang nag-comment na 'Snake, hindi ‘yan si Vice Ganda! Kalokalike lang!'”

COSMETIC SURGERY. Bukod sa pangarap niyang makilala nang personal si Vice Ganda, nais din ni Snake Princess na iparetoke ang kanyang ilong para lalo raw tumingkad ang kagandahan niya.

“Ilong lang ang iparetoke ko.

“Yung hitsura ko, tama lang po.

“Yung ilong lang ang kailangan ng bridge,” sabi ni Snake Princess na tuwang-tuwa nang mapanood ang sarili niya sa Magbuwag Ta Kay.

“Matutuwa talaga ang mga tao kapag napanood nila ako sa Magbuwag Ta Kay.

“Mag-e-enjoy sila. Masaya talaga ako, maganda talaga ako doon.

“Naniniwala ako na maganda ako pero hindi pa talaga, simple beauty pa lang.

“Mas magiging maganda pa ako kung magkakaroon ng bridge ang ilong ko,” ang walang kanerbyos-nerbyos na pahayag ni Snake Princess.

Magkakaroon ng pagkakataon ang Metro Manila residents na mapanood ang unang pelikula ni Snake Princess dahil ipalalabas ito sa Metro Manila theaters sa March 7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN