Sam Milby on Philippine showbiz: "You have to be young."

IMAGE Noel Orsal

In Pambansang Third Wheel, Yassi Pressman (Trina) is a receptionist turned copywriter in an advertising agency and Sam Milby (Neo) is an art director who works with Trina in an advertising project.


Aminado si Sam Milby na hindi pa rin nawawala sa kanyang puso't isipan ang ma-penetrate ang Hollywood.

Ito ay sa kabila ng pagiging abala na muli dito sa ating bansa dahil sa ginagawa niyang pelikula at teleserye.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ABS-CBN actor sa red-carpet premiere night ng pelikula niya with Yassi Pressman na Pambansang Third Wheel na ginanap sa SM Megamall noong March 6. 

Aniya, "I've been getting...kasi, may management ako sa States.

"And last week, may message sila, 'Hey call us, we need to talk to you, 'cause we feel you have a good chance na makapasok sa show na 'to.'

"And, they want me to send an audition tape, but the problem is, dire-diretso na ang trabaho din, there's this promo [for the movie] and everything, so I wasn't able to send.

"And the same time, first up, napakahirap pumasok sa isang show sa States, and I have commitments here."

Pero, patuloy pa rin daw niyang ipu-pursue ang pangarap niyang ito.

Sabi pa ng actor-model, "If there comes a time... Kasi, in the States right now, it's called pilot season.

"So it's the best time for auditions for the new shows na io-offer nila.

"So dapat by this time, nandun ako kung gusto kong mag-audition.

"This is the time I that need to be there.

"Yun nga lang, I'm still happy with the work I'm getting here na I'm committed to do a teleserye din."

Dugtong pa niya, "If it comes in the future na wala akong masyadong ginagawa, and I have the opportunity to send for auditions for pilot seasons, I'll try pa din.

"I'm happy and contented to be here, this is my home.

"It would be exciting if i get a work there, siyempre.

"Mas likas yung lengguwahe, yung emotions, mas mai-express ko in English.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I'm happy and still appreciating everything that's happening here."

Hindi rin niya itinanggi na mas passionate noon ang kagustuhan niyang maging isang Hollywood actor noon, kaysa sa ngayon.

Saad ng 33-year-old Fil-Am actor, "I don't know, pero mas passionate ako noon.

"Yun nga, if really wanted to try there, I should stay there.

"Ang hirap namang umalis dito nang matagal.

"If I'm gone for a long time, I still want to be able to work here.

"It's a very hard decision to leave and give up for something na hindi pa sigurado kung tanggap ako dun.

"Even if some people are pushing me and have a chance there, pero...

"This is my home."

Dagdag pa niya, "Siguro, it depends kung gaano katagal, kung gaano katiyak, kung gaano ka-sure ang trabaho ko dun.

"Ang maganda sa States, walang age range.

"Kahit dito, di ba, you have to be young. It's a young market.

"When you're in your youth, that's your prime. I mean, the love teams, the KathNiel, the LizQuen, the Nadine and [James]."

Tinutukoy ni Sam ang loveteams na Jathryn Bernardo-Daniel Padilla, Liza Soberano-Enrique Gil at Nadibe Lustre at Janes Reid.

Sa kabilang banda, ito ang obserbasyon niya sa U.S. entertainment industry:

"But in the States, you're actually like wine.

"Kapag tumanda, kahit anong edad, there's no time limit in a way, unlike here.

"I'm not worried, I mean, if it never happens , I'm super happy with how everything's in my life.

"I'm just...where I am now. Just to be content with what I have.

"That's what's life is really all about."

Sa Pambansang Third Wheel,  si Yassi Pressman ay gumanap bilang receptionist turned copywriter sa isang advertising agency. Si Sam Milby (Neo) ay ang art director na makakatrabaho ni Trina sa isang advertising project.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN