Erotic drama El Peste pays tribute to sexy flicks of '80s and '90s

Sinag Maynila 2018 entry El Peste is being screened in select SM cinemas until March 15.


Para kay Direk Richard Somes, ang pelikula niyang El Peste ay paraan niya upang magbigay tribute sa mga veteran filmmakers.

“It’s an erotic drama, this is my homage to the '80s and '90s na mga erotic films na lumabas noon, like mga movie ni Celso Ad Castillo, nina Direk Erik Matti, nina Direk Peque Gallaga.”

Mula sa Strawdogs Production, ang El Peste (The Pest) ay isa sa mga finalists sa Sinag Maynila Film Festival 2018. Ito ay tatakbo hanggang March 15 sa select SM Cinemas: Megamall, North Edsa, Mall of Asia, Southmall, Manila, Sta Mesa, Fairview, at Bacoor.

Ano ang maituturing ni Richard na paborito niyang classic erotic films?

Boatman ni Tikoy and Scorpio Nights 1 and 2. The first one is by Peque, the second one is by Direk Erik Matti. And Paradise Inn ni Direk Celso Ad, starring Vivian Velez. Iyan ang apat na paborito ko talaga.”

Kung ikukumpara niya, maituturing raw niya na mix ng Scorpio Nights 1 and 2 ang El Peste.

Nasa cast ng El Peste sina Mon Confiado, Jean Judith Javier, Alvin Anson, Jim Libiran, Leon Miguel, at Tikoy Aguiluz.

Namamayagpag ang mga indie films ngayon.

“Siyempre exciting times for us dahil nabuksan na yung door. Lahat puwede ng gumawa and there’s a lot of avenues na puwede mong ipalabas ang film mo.

“So that’s the reason why I sent it to Sinag Maynila, hoping na makuha because I know for a fact na mae-exhibit siya ng tama, magkakaroon siya ng magagandang venue.”

Kung may dream cast siya, sinong mga artista ang nais niyang makatrabaho?

“Well, si Piolo Pascual siguro kasi exciting siya makatrabaho kasi artist din si Piolo.

“Although I’ve worked with him sa On The Job, PD [production designer] and second unit director ako dun.”

Bukod sa pagiging direktor ay production designer rin si Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga aktres naman ay ang Superstar na si Nora Aunor ang nais niyang maidirehe.

“I think kasi the way yung mga sinusulat kong kuwento, may mga babagay kay Madam, e, kay Miss Nora Aunor.

“And kasi fan talaga ako ni Nora! Fan talaga ko ni Miss Nora.”

Pero kahit Noranian siya ay nais rin niyang makatrabaho si Vilma Santos.

“Sobrang respeto ko kay Ate Vi, kay Congreswoman. It’s just that lang na bagay lang kasi ang mga kuwento ko, parang swak na swak sa mga Bona, ganun yung theme.

“Saka parang nakikita ko kasi si Miss Nora, she ages like wine. The more na nagkakaedad siya, sobrang the more na nagiging interesting yung look niya, siyempre yung soul ni Ms. Nora makikita mo sa mga mata niya, e.

“So siya ang pinaka-ultimate ko na gustong makatrabaho.”









WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN