Pia Wurtzbach quips, "Mataba talaga ako."

IMAGE Mark Atienza


Hindi kinontra nina Pia Wurtzbach at Gerald Anderson ang mga rebelasyon ng direktor na si Cathy Garcia-Molina tungkol sa pananapak nito sa kanilang mga ego at pagkatao nang gawin nila ang My Perfect You.

Sa March 10 presscon na ginawa sa ABS-CBNcompound, hindi itinanggi ni Pia ang sinabi ni Direk Cathy na mataba siya nang magkita sila upang gawin ang Star Cinema movie na ito.

“Totoo naman, e, kasi galing ako sa bakasyon noon so nung una niya akong makita, mataba talaga ako. Tanggap ko saka yun ang lagi kong sinasabi din sa set na parang ang taba ko.

“Pero ano ko na rin ‘yon, insecurity ko everyday of my life kasi ganoon talaga, e, kapag beauty queen, lahat napapansin mo sa sarili mo,” ang sagot ni Pia na tanggap na tanggap ang mga kritisismo ni Direk Cathy.

Handang-handa naman si Gerald na makatrabaho si Direk Cathy dahil may mga narinig na siya tungkol sa ugali ng brutally frank and honest lady director pero inamin ng aktor na nasaktan din siya.

“Naririnig ko kung paanong mag-direct si Direk Cathy. Simula pa lang, day one pa lang, sobrang ano na ako, open na ako.

“Kung anuman ang mangyari, kung ano ang sasabihin, tatanggapin ko, accept it, use it sa tamang paraan, gawing motivation pero kasi alam mong...ang feeling ko hindi po magiging ganoon kaganda yung performance ko, yung ginawa ko kung hindi si Direk Cathy yung nag-direct ng movie na ’to,” ang reaksyon ni Gerald sa mga karanasan niya kay Direk Cathy.

“Sobra!” ang sagot ni Gerald nang tanungin kung first time niya na maka-encounter ng isang direktor na masakit magsalita.

“Masakit pero minsan, sasabihin pa niya sa mic, tapos ang dami pang tao. Minsan nga, nagdarasal ako, sana wala siyang sasabihin. Sana, ipapatawag na lang niya ako but ganoon siya talaga, nakita niyo kanina, ganoon siya talaga. May mga times na masakit at nakakahiya pero mamahalin mo siya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tatanungin niya, 'Gerald, anong klaseng acting ‘yan?' Ako kasi, kilala mo ako, ang isasagot ko, 'Inutil na acting po, Direk.' 

"Alam ko na, e, pero ganoon siya talaga, totoong tao siya. Kung hindi mo siya kilala, napadaan ka lang sa set at narinig mo ‘yon, mao-offend ka pero alam ko naman na ginagawa niya ‘yon sa tamang paraan para ma-motivate kaming lahat.”



Stories We Are Tracking

Direk Cathy compares Gerald Anderson to John Lloyd Cruz
Direk Cathy compares Gerald Anderson to John Lloyd Cruz





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN