Joross Gamboa to direct first movie called Allergy in Love

IMAGE Noel Orsal

Joross Gamboa is set to start on his directorial debut, a movie titled Allergy in Love, which he also co-wrote.



Dumadami ang bilang ng mga artistang pumapasok na rin sa pagiging director.

Nauna na sa henerasyong ito si Coco Martin na nag-direk ng kanyang first movie na Ang Panday na ipinalabas noong nakaraang taon sa 2017 Metro Manila Film Festival, at pumangalawa sa takilya. 

Kamakailan lang ay pumalaot naman sa live concerts at music video directing si John Prats. Siya ang nag-direct ng latest music videos nina Kyla at Moira dela Torre, at siya ring nag-direk ng first major concert ng huli.

Susunod sa yapak ng dalawa ay ang character actor na si Joross Gamboa na hindi lang pagdidirehe ang papasukin kundi pati ang pagiging scriptwriter.

Nagpost sa Instagram si Joross ng selfie nila nina Neil Arce at Boy 2 Quizon, kasama ang iba pang bubuo ng kanyang first directorial project.

Si Neil ay isang film producer na kasintahan ni Angel Locsin sa kasalukuyan.

Si Boy 2 naman bukod sa pagiging isang artista ay co-producer din sa mga film projects ni Neil.

Siya ang owner ng isang production house na nagpaparenta ng mga film at concerts equipment.

Nakasaad sa caption ni Joross ang excitement niya sa opportunity na ibinigay sa kanya sa kasalukuyan, ang maisulat at mai-direk ang pelikulang Allergy in Love.

Ani Joross sa kanyang caption, “Thank you Lord for this new blessing! First Preprod for my directing debut…”Allergy In Love” salamat sa pagtitiwala @neil_arce at @boy2quizon_ sa akin.

“Salamat din sa ABS CBN sa tiwala. Di ko akalain na magugustuhan ninyo itong first ever script na sinulat ko!!!

“Hahahaha may patutunguhan din pala itong kalokohan ko. #scriptwriter #director #allergyinlove #goodluck #idontneedluckihaveGod.”


Sinegundahan naman ni Arce ang balita sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang parehong photo na ipinost ni Joross.

Sa caption tinawag nang Direk ni Neil si Joross.

Ani Neil, “Pre prod para sa launch ni direk @jorossandkatz #allergyinlove.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi katataka-takang pasukin ni Joross ang pagdidirehe dahil noon pa lang sa presscon ng nakaraang LGBT comedy movie nila ni Edgar Allan Guzman na Deadma Walking, binanggit na nitong interesado siyang magdirehe ng pelikula at magsulat ng script.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN