Kiko Estrada goes sexy and daring for upcoming TV, movie projects

IMAGE Mark Atienza

Kiko Estrada explains his transition to more daring and sexier roles for his upcoming movie and TV projects: "This is a new role, this is my maturation. So I hope you see this as me not trying to be sexy but me trying to get roles that are interesting for me."


Masayang binida ng aktor na si Kiko Estrada ang sunud-sunod niyang mga proyekto na nagpapanatili sa kanyang pagiging busy ngayon.

Ayon sa aktor, mayroon siyang dalawang pelikula at isang daytime teleserye na ginagawa kaya naman nagpapasalamat siya sa Panginoon sa dami ng kanyang blessings na natatanggap.

Ayon kay Kiko nang makapanayam namin sa DZBB 594 Walang Siyesta radio show last March 9, “I have two movies—one is under Regal and one is under ALV Talent Circuit—at may isa akong teleserye coming up sa GMA at daytime show.”

“The first movie is called Walwal and it’s gonna be directed by Joey Javier Reyes.

“My role is gonna be Marco, isa siyang lover boy and how that character changes when he finds the one.

“Yung kay Adolf Alix naman is called My Stepmother’s Lover, and I’m the lover,” kuwento niya.

SEXY AND DARING. Excited na nagkuwento si Kiko tungkol sa kanyang karakter at mga experience sa paggawa ng mga sexy and mature scenes para sa My Stepmother's Lover.

“Yung karakter ko is mid-20s na siya at mahirap sila, so kinailangan niyang gawin lahat para sa pamilya niya—para makakain yung pamilya.

“It’s very real, it’s very sad pero yun yung nangyayari,” lahad niya.

Dahil sexy ang tema ng pelikula, tinanong namin si Kiko kung gaanong ka-daring siya dito.

Aniya, “Sobra... wala akong suot.

“I had like supporter. There are back shots, butt shots.

“There’s a lot of nice and elegant shots.”

Kuwento pa ng aktor, hindi naging mahirap para sa kanya ang pumayag sa paggawa ng mga sexy scenes sa pelikula dahil sa napakagaling nilang director.

“Pag inalagaan ka naman ng magaling na director at elegante naman yung pagka-shoot, maayos kang kausap at maayos i-motivate at i-direct, hindi iyon mahirap.

“Lahat ng tao sa set, they were so helpful and respectful,” pagpapasalamat niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiling lang ni Kiko, sana ay hindi siya ma-stereotype sa kanyang sexy image ngayon.

Sana raw ay makilala rin siya bilang isang mature na aktor na kaya ring sumabak sa ibang klaseng roles.

“This is a new role, this is my maturation.

“So I hope you see this as me not trying to be sexy but me trying to get roles that are interesting for me,” paglinaw niya.

TELESERYE. Isa pa sa mga upcoming projects ni Kiko ay ang romcom daytime teleserye na My Guitar Princess kunsaan makakasama niya sina Julie Anne San Jose at Gil Cuerva.

“My role is mayaman ako and ginawa ko ang lahat para sa kanya, kababata ko siya, 'tapos biglang paglaki ko, doon ko na-realize na siya pala ang mahal ko,” kuwento ng aktor.

DEALING WITH UNEXPECTED FATHERHOOD. Dahil napaparami ang mga young actors na nakakabuntis habang nasa peak ng kanilang mga career, tinanong namin si Kiko kung ano ang gagawin niya kung sakaling mangyari ito sa kanya.

“One thing about me is that I own up to my responsibility.

“If that's mine, that's mine.

“I will share the world my joy without thinking twice because I love that person inside.

“Kung ano ang ginawa ko, mas mahal ko yun kaysa sa akin,” proud na sagot ni Kiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN