Philippine jeepney featured in Sherlock Gnomes movie poster

IMAGE Sherlock Gnomes movie poster

The Philippine jeepney was featured in one of the official posters for the upcoming animated movie, Sherlock Gnomes. The Chocolate Hills of Bohol (background) also get fair exposure in the movie which depicts the gnomes' adventures in search of their kidnapped colleagues. 


Nakakatuwang makita na ang ating pinagmamalaki na Philippine jeepney at ang magandang landscape ng Chocolate Hills sa Bohol ay featured sa isa sa mga official posters ng upcoming animated film na Sherlock Gnomes.

Sa naturang poster, pinapakitang nakasakay ang mga characters ng Sherlock Gnomes sa isang makulay na jeepney at may kung anong adventure sila sa Bohol.

Isa lang ito sa mga posters na lumabas ng naturang animated film na nagpi-feature ng iba’t ibang lugar kunsaan hinahanap ng mga characters ang ibang kasamahan nilang gnomes na kinidnap.

May ginawa rin silang poster kunsaan nasa Australia, Brazil, New York at London naman ang mga gnomes.

GNOMEO & JULIET SEQUEL. Noong 2011 unang ipinalabas ang British-American 3D computer-animated fantasy romantic comedy na Gnomeo & Juliet na humango ng inspirasyon mula sa kilalang play ni William Shakespeare na Romeo and Juliet.

Tungkol ito sa dalawang nagbabangayan na kampo ng garden gnomes at ang pag-iibigan ng dalawang gnomes na galing sa magkalaban na pamilya.

Ngayon ay may bago silang adventure dahil may kumidnap sa mga garden gnomes. At kailangan nila ng tulong ng mahusay na gnome detective na si Sherlock Gnomes.

Tampok sa Sherlock Gnomes ang mga boses ng mga British actors na sina James McAvoy, Emily Blunt, Michael Caine, Maggie Smith, Stephen Merchant and Ozzy Osbourne, with Johnny Depp as Sherlock Gnomes, Chiwetel Ejiofor as Watson and Mary J. Blige as Irene.

Magbubukas sa Pilipinas ang Sherlock Gnomes on March 21.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN