James Reid and Nadine Lustre take on daring roles in Never Not Love You

IMAGE Noel Orsal

James Reid and Nadine Lustre star in their latest film Never Not Love You, directed by Antoinette Jadaone. It will be shown starting Black Saturday, March 31, 2018. 



Mula sa cute at pakilig na mga pelikula tulad ng Diary ng Panget, nasubaybayan ng halos karamihan ang mga pinagdaanan at kung paano nag-evolve ang reel and real love team nina James Reid at Nadine Lustre.

Sa bago nilang pelikula sa VIVA Films, ang Never Not Love You, tila ito na ang pinaka-mature na pelikula nilang dalawa.

Lahad ni James, “I think we always say, it’s more mature.

“Pero this time, ito ang pinaka-mature. Actually, it’s more on the language.”

Hindi raw masasabi ni James na mature ang pelikula nila dahil naghubad sila o nagpakita ng katawan, mas sa mga dialogue daw na binitawan nila sa pelikula makikita ang maturity ng mga characters nila.

Kaiba sa karamihan ng mga love teams ngayon, Hindi naka-stuck lang sina James at Nadine sa pagiging pa-sweet. Humihiwalay sila sa conventional o stereotype ng love teams na pakilig at wholesome lang palagi.

Masasabi ba nilang nasa tamang panahon ang pagkakagawa nila ng Never Not Love You, batay na rin sa takbo ng kanilang career at image?

Ayon kay Nadine, “Actually, noong prinisent po siya sa amin ni Direk Tonette, wala pa—ano pa lang siya, hindi pa buo ang kuwento. Habang nagsu-shoot po kami, binubuo pa namin ang istorya.

“Kung ano po ang madadagdag o kalalabasan ng shoot namin, doon po nade-decide ni Direk Tonette kung ano po ang eksenang isusulat niya na susunod.”

Base pa lamang sa trailer ng Never Not Love You na ipalalabas sa Black Saturday, March 31, makikita na kung gaano sila ka-daring sa kissing scene at love scene.

Sabi naman ni James, “Not daring in a sense na showing but the character itself is very daring.”

Dugtong naman ni Nadine, “Matapang…”

Sina James at Nadine ay sina Gio at Joanne sa bagong pelikula.

Gaano ito kalapit sa karakter nila sa totoong buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Nadine, “Ako po, wala po akong similarity kay Joanne. Kasi po, very focused po ako sa work ko, sa mga pangarap ko. Unlike Joanne.

“Mataas din po ang pangarap ko for my family, and gagawin ko pong lahat para matupad ko yun.

“When it comes to love naman, same rin po. Kasi si Joanne po, iniwan po niya ang trabaho niya rito sa Manila para sumama kay Gio. Nagsa-sacrifice rin po ako para sa family ko.”

Sa parte naman ni James, “Si Gio, he likes to live in the present. He doesn’t think about the future. I’m more like that, go with the flow.”

Sa huli, tinanong namin sina James at Nadine kung nakikita pa nila ang mga sarili na isang araw, mari-realize nila at masasabi sa isa ang katagang, “Never love you?”

“No,” saad ni James.

“I think if you really love someone, it’s forever.”

Sabi naman ni Nadine, “Honestly, right now, same po kami ng personality ni James.

“Hindi po ako nagpa-plano ng future na o baka ganito, o baka maghiwalay. 

“Parang ngayon po, hindi ko po talaga masasabi ‘yan. Pero no...”

Sa hiwalay na panayam kay Nadine ng ABS-CBN, nilinaw nito ang usap-usapan na nagkatampuhan umano sila ng director na si Antoinette Jadaone habang ginagawa ang Never Not Love You. 

“It was all a misunderstanding kasi nagkasakit ako," ani Nadine.

"Parang alam mo yun, parang andami na nagsasalita on the side pero wala naman. The night before kasi ng shoot nagsabi na ako, ‘Direk, parang hindi ko po kaya. Ang sakit ng likod ko, hindi ako makatayo.’ Kami ni direk, kami naman nag-uusap talaga.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN