Atom Araullo reminds the public: "Fight for the truth and reject any revision of the truth...of history"

IMAGE Mark Atienza

Atom Araullo (in photo) reacts to the statement given by Ilocos Norte Governor Imee Marcos regarding the Mike de Leon film Citizen Jake.


Sa Biyernes, March 23, ay magkakaroon uli ng public screening ng pelikulang Citizen Jake ni Direk Mike de Leon sa U.P. Film Center.

In-announce ng bida ng pelikula na si Atom Araullo sa National Breakfast Day ng McDonald’s sa branch nito sa Madison, Greenhills noong March 19. Pero sold-out na raw ng tickets sabi ni Atom, kaya hindi na siya nag-imbita na manood.

Okay naman kay Atom na hanggang dun lang muna sa mga ganung screening mapapanood ang kanilang pelikula. Hihintayin lang daw nila kung kailan desisyunan ni Direk Mike na ipalabas sa commercial theaters.

Wala pa raw silang alam kung ano ang gustong gawin ni Direk Mike sa pelikulang ito.

“Hindi ko rin alam. Medyo labas na 'yan sa kaalaman ko,” pakli ni Atom.

“Siyempre, tulad nung ibang bahagi ng proyekto umaasang mas lalo siyang mapanood ng marami. Pero maraming kailangan isipin, marami siyang considerations, so we have to wait,” dagdag niyang pahayag.

Iginagalang din naman daw niya ang gusto ni Direk Mike na hindi ito ipapa-review sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

“As a director and a producer, I’m sure that’s something that Mike is thinking about. He doesn’t want any cuts in the movie. Neither do I as a co-scriptwriter. So, we really have to see what the best thing to do,” pahayag ng 35-anyos na broadcast journalist ng GMA-7.

Sa pakikipagpanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Atom, hiningan na rin namin siya ng reaction sa mga pahayag ng Ilocos Norte Governor Imee Marcos tungkol sa pelikulang ito na tumutuligsa sa pamilyang Marcos.

Nirerespeto raw ni Atom ang desisyon ni Governor Imee na huwag panoorin ang pelikulang ito.

Nabanggit din ni Governor Imee na sa patuloy na pambabato raw sa kanila, lalo pa raw silang napapaangat at dumarami ang sumusuporta sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng Ilocos Governor: “Walang humpay yung black propaganda, wala nang mabuting ginawa sa loob ng bente-uno anyos, wala nang tama.

“Samantalang nakikita naman na may infrastructure, may roads and bridges, mga kalsada, mga eskuwelahan na hanggang ngayon napapakinabangan na, mga hospital. So, kailangan timbangin 'to…sa mga sinasabi.

“Yun nga, yun mga sinasabi ng mga lola natin, mga nanay, na mas mura ang mga bilihin nun, safe ka sa kalsada at kung anu-ano pa.

“I think the millennials are very informed, very knowledgable and ultimately will become a very wise generation. They have to judge on their own what exactly what happened.”

Mahaba ang pahayag ni Atom bilang sagot sa sinasabi ni Governor Marcos. Sabi niya, “Well, that’s one point of view. I have a different point of view. I think that history affects us to this day.

“We have to learn from our mistakes. We have to call for justice when we have it…you know.

“Habang hindi kasi tayo natututo sa leksyon ng kasaysayan, at hindi natin nakakamit ang hustisya para sa mga naapektuhan ng karahasan at panunupil, malaki ang posibilidad na ulitin natin ang ating pagkakamali.

“At bilang isang lipunan…kung gusto natin mayaman ang ating bansa at kalidad ng buhay ng mas nakararami, mahalaga matutunan natin ang mga leksyon, at mahalagang makita natin kung ano yung katotohanan.

“Kaya 'pag sinasabi ng ibang mga tao na kailangan nang mag-move on, malilimutan nila na ang mahalagang bahagi nang pagmu-move on ay ang pagkamit ng hustisya at paghingi ng kapatawaran kung kinakailangan.

"Hindi naman kailangang maipit sa nakaraan. We don’t have to get stuck in the past. But, we certainly shouldn’t forget the lessons, and we should fight for the truth and also reject any revision of the truth..of history.”

Inaasahan na ni Atom na magiging kontrobersyal ang pelikulang ito, kaya hindi na raw siya nagugulat sa iba’t-ibang reaksyon at opinyon. Nakahanda na raw siyang harapin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko naman yun sa simula pa lang, e. Hindi naman ako nagulat dun. Hindi naman ako nanginginig sa kontrobersya.

“Sa trabaho natin, kapag ang mga istoryang ginagawa mo ay hindi kontrobersyal, o hindi naging kasuklam-suklam para sa ibang mga tao, ang biro diyan hindi mo ginawa nang tama yung trabaho mo.

“So, kung ang pelikulang ito ay uudyok sa iba na mag-isip o mag-udyok sa iba na kumilos, siguro magiging irritant para sa kanila, then I think part of function of this film has already been accomplished,” saad ng broadcast journalist.

Hindi raw siya nagsasalita ng tapos, pero sa ngayon ay tama na raw na nagawa niya ang Citizen Jake. Hindi raw niya nakikita ang sariling gumagawa uli ng isang pang pelikula. Wala naman daw sa plano na ipagpatuloy ang acting career.

“Hindi ko naman pinapangarap yun,” sabi niya.

“Importante lang sa akin na maibahagi, maikalat namin yung mensahe ng pelikula. Nagkataon lang sa pelikula na mahalaga para kay Mike de Leon na kumuha ng isang tao na tulad ko na para maging aktor dahil ganun ang naging istilo ng pelikula. Merong bahagi ng pelikula na tumatawid patungong dokumentaryo, patungong katotohanan, patungong cinema.

“During our discussions, I think it’s his intention to get a non-actor really to play the lead role because that is what the film trying to achieve.

“So, I just have to perform my function in this film which is to be a competent actor. Gusto ko lang maging katanggap-tanggap para sa publiko ang istorya,” seryoso niyang pahayag.



Stories We Are Tracking

Atom Araullo stands by Marcos references in <em>Citizen Jake</em>
Atom Araullo stands by Marcos references in Citizen Jake
How is Atom Araullo four months after transferring to GMA?
How is Atom Araullo four months after transferring to GMA?





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN