Gretchen Barretto has one condition before accepting Hollywood movie offer, says RS Francisco

IMAGE Noel Orsal

Actor/businessman RS Francisco attended the March 25 contract signing of Frontrow Philippines' latest endorsers, Ex Battalion, held at Ai Sarap Express restaurant. RS is shown here with BFF Gretchen Barretto during a Cinemalaya event held at the Cultural Center of the Philippines.



Excited ang actor/Frontrow Philippines President na si RS Francisco para sa matalik nitong kaibigan na si Gretchen Barretto.

Nabalitaan kasi ni RS na may pumapasok na Hollywood movie offer para kay Gretchen nang muling magkita ang dalawa kamakailan lang.

Noong March 25, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RS tungkol dito matapos ang contract signing ng bago nitong endorsers, ang Ex Battalion, na naganap sa Ai Sarap Express restaurant sa Quezon City.

Ayon kay RS, pinipilit nito si Gretchen na tanggapin ang Hollywood movie offer, lalo't ngayon na tila desidido na ang aktress na huwag nang bumalik sa showbiz.

Kuwento ni RS, "She's saying na she's gonna retire from showbiz pero may pumapasok na Hollywood movie.

"May Hollywood producer na gusto siyang kunin for a Hollywood-produced film pero ishu-shoot dito.

"Pero kausap ko siya kagabi, kino-convince ko. Sabi ko, 'Honey, do the movie na.'

"Sabi niya, 'I'll do it pag nandun ka.'"

Dagdag pa nito, "Nag-eenjoy talaga siya na being normal and just having fun with friends, and you know, laughing every day.

"And just being with real friends talaga na hindi showbiz.

"In fact, pag makasama kami, we don't talk about showbiz. We talk about sex… pero our lips our sealed! Alam mo 'yan!"

Nabanggit din ni RS na maganda ang tema ng pelikula ngunit hindi muna ito nagbigay pa ng ibang detalye.

Aniya, "Maganda, nakita ko na yung pitch pero I'm not the producer so baka mali pa yung masabi ko.

"Maganda yung film, ayoko muna i-press release yung title kasi baka mamaya hindi naman niya gawin.

"Sabihin, e, pine-press release ko naman, e, di award ako.

"So magfa-fly in dito yung Hollywood producer next week so I'm gonna broke a dinner with her and the producer, kaming tatlo lang."


MISTERIO DE LA NOCHE.
Isa sa pinagkakaabalahan ni RS ngayon ay ang pelikulang pino-produce niya, ang Misterio Dela Noche.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang GMA-7 stars na sina Solenn Heussaff at Benjamin Alves ang mga napiling bida sa dark horror movie na idinidirek ni Adolf Alix Jr.

Ngayon April 2, target matapos ng Frontrow Productions ang pelikula upang maipasa ito sa Cannes Film Festival sa darating na April 5.

Kuwento pa ni RS, "It's about a mananaggal nung I think 1600 or 1500… old, old, old Manila.

"Beautifully shot… nakita ko talaga yung mga rushes, ang ganda talaga."

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on


Bukod kina Solenn at Ben, kabilang din sa mga cast members sina Elizabeth Oropesa, Gina Alajar, Menggie Cobarrubias, Alan Paule, Rosanna Roces, Mercedes Cabral, at marami pang iba.

Hindi naman daw ito ang unang beses na nakatrabaho ni RS si Solenn.

Kwento ng actor/businessman, "Si Solenn, one quick trivia, unang-unang modeling [job] ni Solenn, when she was 12 years old, for Robinson's, ako nag-direk sa kanya. I directed her for that.

"She was really small and cute and beautiful, up to now she's beautiful. And I knew already the first time I shot her na she's gonna go places. This movie is not my first encounter with Solenn.

"For Ben, yes, it's my first time [to work] with Ben pero si Solenn, we go way, way back."

Dugtong pa nito, "In fact, nung nagkita kami ulit after one shooting, nagcha-chat kami sa BGC, kinukuwento ko sa kanya kung gaano siya ka-cute noon nung shinu-shoot ko siya dati."

Marami daw kapana-panabik na eksena ang dapat abangan sa pelikulang ito.

Maiksing bahagi ni RS, "Dark horror na parang gory, kasi although I didn't see this scene [being filmed], hindi ko nakita yung eksena, kinuwento lang pero parang tinear niya yung sarili niya."


Sa kwento ni RS, handa na ba ito sa censorship ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)?

Sagot ni RS, "Alam mo hindi ko talaga alam. Honestly, hindi ko talaga alam. Not naman problem with me, but the thing is when I shoot like with Bhoy Intsik, hindi ko talaga inisip yung rating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although, of course, it greatly matters pero sa akin, hindi ko ibe-base ko on a rating. Iba-base ko yung work ko on my own personal feel. So kung hindi makalusot, e, di sorry."

Sa ngayon, nais lang muna nilang isali sa iba't ibang film festivals abroad ang pelikula, ngunit balak din ni RS na magkaroon ng local screening ang Misterio de la Noche.

"Yun ang hindi ko alam kasi gusto muna nila iikot sa mga film fests. Just like Bhoy Instik, ganun muna yung mga gagawin.

"Iikot-ikot muna namin sa mga circuit, pagka-tapos na siya abroad, pwede na siya bigyan ng local screening."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN