"Inang Yaya" sweeps the Young Critics Circle awards


Unitel Films' Inang Yaya made a clean sweep at the 2006 Young Critics Circle awards. The film starred Maricel Soriano and child stars Tala Santos (leftmost) and Ericka Oreta.


Ang independent film ng Unitel Films na Inang Yaya ang napili ng Young Critics Circle (YCC) bilang Best Film para sa taong 2006.



Clean sweep sa lahat ng categories ng YCC ang Inang Yaya na pinagbidahan ni Maricel Soriano at idinirek ni Pablo Biglang-Awa at Veronica Velasco. Wala itong nakalaban na ibang pelikula para sa Best Film category.



Bukod sa Best Film, nakuha rin ni Maricel ang Best Performance para sa papel niya bilang ina at yaya. Ang nakalaban ni Marya sa kategoryang ito ay si Cherry Pie Picache for Kaleldo.



Napanalunan din ng Inang Yaya ang awards for Best Screenplay, Best Cinematography, Best Visual Design, Best Editing, Best Sound, and Best Aural Orchestration.



Naging nominee sa dalawang categories (Best Cinematography at Best Editing) ang pelikulang Kubrador ni Jeffrey Jeturian.



Ginanap last February 9 ang deliberation and voting ng YCC para sa kanilang mga napiling winners. Itinatag noong 1990, ang YCC ay binubuo ng mga kritiko na mula sa iba't ibang industriya.

Ang awarding ng 17th Annual Circle Citations for Distinguished Achievement in Film for 2006 ay magaganap sa March 8 (2 p.m.) sa Faculty Center Conference Hall sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN