Maynila, Sa Mga Kuko Ng Liwanag hailed as one of greatest films by Criterion Collection

Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag was chosen as one of the greatest films of all time by Criterion Collection. The award-winning Filipino movie, originally released in 1975, starred Bembol Roco Jr. and Hilda Koronel, and was directed by Lino Brocka.


Isang malaking karangalan para sa pelikulang Pilipino ang pagpili ng Criterion Collection sa 1975 film ni Lino Brocka na Maynila, Sa Mga Kuko Ng Liwanag (Manila In The Claws of Light) bilang isa sa greatest films of all time.


Ito ang unang pagkakataon na ang isang Filipino film ay makakasama sa isang film masters collection.

Paparangalan ng Criterion Collection ang naturang Pinoy film sa mismong araw ng Philippine Independence Day on June 12, 2018.

Ayon sa Wikipedia, ang Criterion Collection ay isang “American home video distribution company which focuses on licensing important classic and contemporary films and selling them to film aficionados.”

Kabilang ang mga great films nila Jean Renoir (Grand Illusion, The Rules of The Game), Akira Kurosawa (Rashomon, Seven Samurai), Alfred Hitchcock (Rebecca, Rear Window, Psycho), and Stanley Kubrick (Spartacus, 2001: A Space Odyssey, Eyes Wide Shut) na nakasama na sa Criterion Collection.

Sa gagawing release ng Criterion Collection sa Maynila, Sa Mga Kuko Ng Liwanag, magkakaroon ito ng bagong 4K digitally-restored format na may introduction ng multi-award-winning film director Martin Scorsese.

Ang 1987 documentary naman tungkol sa paggawa ng pelikula kunsaan tampok sina Brocka and lead actors Hilda Koronel and Rafael “Bembol” Roco Jr. ay isa sa feature ng Criterion release.

Nanalo sa 1976 FAMAS Awards ang Maynila, Sa Mga Kuko Ng Liwanag ng Best Picture, Best Director (Lino Brocka), Best Screenplay (Clodualdo del Mundo, Jr.), Best Cinematography (Miguel de Leon), Best Actor (Bembol Roco) and Best Supporting Actor (Tommy Abuel).

Noong 2009 ay ipinalabas ang Maynila, Sa Mga Kuko Ng Liwanag sa Viennale Film Festival in Austria. At noong 2013 ay na-screen naman ito sa Cannes Film Festival in France.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN