Will Carlo Aquino feel uncomfortable shooting a kissing scene with ex-girlfriend Angelica Panganiban?

IMAGE Allan Sancon

Carlo Aquino has started shooting his still-untitled movie with ex-girlfriend Angelica Panganiban.


Nagkuwento ni Carlo Aquino tungkol sa pagkikita nila kamakailan ni Claudine Barretto at tungkol sa upcoming movie niya with his ex-girlfriend Angelica Panganiban.

Nakausap ng media si Carlo sa press conference ng kanyang pelikulang Throwback Today na ginanap sa Cinematheque Centre Manila ng Film Development Center of the Philippines (FDCP) sa Kalaw, Manila.

Pag-amin ni Carlo, “Oo, nagkita kami ni Ate Clau [Claudine Barretto]. Nag-jam lang kami, catch-up, kwentuhan, konting inuman, saka kantahan.”

May project ba kayong gagawin together ni Claudine Barretto?

“Wala! Wala pa naman. Hindi ko pa nakakatrabaho si Ate Clau. Nagkakilala kami ni Ate Clau, kasi sobrang kaibigan ko si Cholo [Barretto], e. Dati kaming pumupunta sa bahay ni Ate Clau, tumatambay kami dun. Ampon ako nun, e.”

Kamusta naman si Claudine ngayon?

“Ang laki ng pinayat niya. Sa tingin ko, sobrang inspired sya ngayon at gusto niya na uling magtrabaho. Nasa Viva management yata siya ngayon, di ba?”

Is he open to working with her in the future?

“Oo naman! Hindi ko pa nga siya nakakatrabaho sa isang project, e. Ayun, puro tambay lang sa bahay nga nila dati.”

After the success ng movie niyo ni Bela Padilla na Meet Me in St. Gallen, magkakaroon ba uli kayo ng follow-up movie?

“Hindi ko alam, e! Hindi ko pa alam! Wala pa namang sinabi ang Spring Films sa amin tungkol doon. Sana nga meron kasi bitin yung Meet Me In St. Gallen, e. Sana may Part 2, sa ibang lugar naman, pero out of the country pa rin para masarap.” (sabay tawa)

Kung sakali ngang magkaroon ng Part 2 yung Meet Me in St. Gallen, saang bansa mo gustong mag-shoot?

“Sa Japan, gusto kong magpunta ng Japan, kasi hindi pa ako nakakapunta dun. Gusto kong magpunta ng Hokkaido, Japan.”

Bakit sa Hokkaido, Japan?

“Ayoko ko kasi ng masyadong siyudad, e, gusto ko yung malayo...sa countryside.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung meron siyang babalikan sa kanyang nakaraan, tulad ng nangyari sa karakter niya sa Throwback Today, ano ang babalikan niya?

"Yung pagiging takot ko. Takot ko sa mga bagay-bagay. Ang dami kong doubts.

"Mga projects."

May mga inayawan ba siyang projects noon?

"Oo. Takot ako sa failure. Kasi, di ba, at a young age, sobrang dami nilang binibigay sa akin...ayokong masira...

"Katulad nung sa pelikula [Throwback Today], pinaparating niya na para maging successful ka, kailangan marunong mag-handle ng failures."

Ayon sa former child actor, "Kasi hanggang ngayon, hindi naman ako sure kung magaling ako.

"Hanggang ngayon, ganun pa rin ako. Kahit mahal na mahal ko yung pag-arte, hindi yun nawawala sa akin."

Kahit nanalo na siya ng ilang acting awards sa kanyang career, insecure pa rin ba siya sa kanyang acting abilities?

"Siyempre, natutuwa. Pero ngayon, mas nagiging mas matapang na lang ako.

"Hindi ka naman nila kukuhanin kung hindi sila naniniwala.

"Yung trust na binibigay nila sa akin, binabalik ko lang rin."



MOVIE WITH EX-GIRLFRIEND. Magkakaroon na ng pelikula ang ex-couple na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Magkakaroon ng reunion project ang CarGel love team na matagal nang hinihintay ng kanilang mga fans.

Nagkaroon na raw sila ng story conference sa Star Cinema at ikinuwento ni Carlo ang ilang detalye ng story.

“Parang magsisimula ang istorya sa aming college life, then magiging kami. Parang yung istorya ay kung ano ang pinagdadaanan ng isang couple sa isang relationship, parang ganun ang magiging istorya. Medyo light to heavy drama yung dating.”

Yung istorya ba nung pelikula nyo ay medyo close sa totoong love story niyo ni Angelica sa totoong buhay?

“Parang, parang! (sabay bawi) Hindi, e, hindi! Iba pala siya! Pero magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko sa pelikulang ito namin ni Angelica.”

Ayon kay Carlo, ito ang storya ng pelikula nila na gagawin sa ilalim ni Direk Dan Villegas:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magsisimula siya college days, tapos magiging kami, tapos kung ano ang pinagdadaanan ng isang couple sa isang relationship.”

Dagdag pa niya tungkol sa tema ng pelikula, “Light siguro to heavy. Iba siya, e.

“Excited ako na kinakabahan, big screen, e.

“Last namin na project MMK [Maalaala Mo Kaya].”

Maiilang ba siya kung may kissing scene sila ni Angelica sa kanilang pelikula?

“Ako, hindi ako maiilang. Pero siya, parang hindi naman din.

“Hindi ko alam kasi wala pang ibinibigay na script sa amin.”

Recently, nag-post si Direk Dan Villegas ng picture nina Angelica at Carlo habang ginagawa ang kanilang look test.

Noong April 28 ginanap ang first shooting day ng still-untitled movie.












WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN