Ruffa, Carmina and Aiko to reunite for a film, says Eric Quizon

IMAGE Rose Garcia

Eric Quizon explains why Maricel Soriano only has a supporting role in My 2 Mommies.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actor/director na si Eric Quizon sa Novotel, Cubao, Quezon City sa isang intimate pocket interview noong April 23. Ito ay para sa pang-Mother’s Day offering ng Regal Films na My 2 Mommies kunsaan siya ang direktor.

Ikinuwento niya na ang director na si Joey Reyes ang dahilan kung bakit ang naturang pelikula ang unang idinirek niya ngayon sa Regal Films kunsaan pumirma si Direk Eric ng kontrata.

“I signed a contract with Regal. Nandoon ako noong nagmi-meeting sila sa project na ito. I think, it was meant for me. Biglang nandoon ako, sinabi ni Direk Joey [Reyes] 'O, isa lang ang puwedeng gumawa nito na nakagawa na ng ganito na mabilis, na aabot tayo ng Mother’s Day.

“’Yang nasa tabi mo Roselle [Monteverde]! Sabi ko talaga, ako ba yung pinag-uusapan niyo? Sabi ni Direk, ikaw nga, Kaizz.”

Kaizz ang palayaw ni Direk Eric.

Kasama ni Direk Eric sa pelikula ang kaibigan at itinuturing na kapatid na si Maricel Soriano. Bago ang My 2 Mommies, ibang proyekto ang pinag-uusapan nila ng Diamond Star na gagawin nila kunsaan si Direk Eric ang magiging director nito sa pelikula sa unang pagkakataon.

Siya ba ang susulat ng script?

“Ay hindi naman, ako, hindi rin naman ako yung susulat talaga. Mas gusto ko yung ako ang magdi-dictate. Parang boss pa rin ako,” natatawang sabi ng anak ni Dolphy.

Sa ngayon, hindi pa raw niya alam kung kailan nila yun sisimulan. Depende pa rin daw sa schedule. Ang sigurado raw, marami siyang gagawin ngayong pelikula sa Regal bilang director dahil pumirma na siya ng kontrata.

Kinumpirma rin niya na approved na ang Titas of Manila kunsaan tampok ang mga dating bida ng dating television show na Happi House 13-14-15.

“Ang artista ko run, sina Ruffa [Gutierrez], Carmina [Villarroel], at Aiko [Melendez]. Yun naman yun, di ba, sila yung mga Titas ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming beses na silang nagka-trabaho ni Maricel. Pero bilang director, ngayon pa lang sa My 2 Mommies at sa pina-plano niyang pelikula na magiging director/actor rin siya.

Ayon dito, “Marami na kaming beses na nagkasama ni Marya. Kaya lang nga, she went through that phase. Magkapitbahay kami niyan kaya kaming dalawa ang nagkokonsolan.”

Sinagot din ni Eric ang reaksyon ng mga tagahanga ni Maricel na bakit daw sa pagbabalik nito sa pelikula, support lang si Marya kina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff.

Paliwanag naman ni Eric, “You know what, it’s Marya’s decision, not mine. Kasi, gusto niyang gawin ang pelikula. And like I’ve said, gusto lang niyang mag-practice.

“Akala niya kasi, yung gagawin niya, yung plano ko for her. Tapos ito, pinakita ko sa kanya ang script, nagustuhan niya. Gusto niyang gawin. So wala kaming intention na ganito lang ang role para sa kanya, no.

“She did it in her own decision. Gagawin ko ‘yan. Sabi ko, sigurado ka? Yes, sigurado ko.”

Sabi pa ni Eric, “It gives the movie another dimension. Parang bakit si Marya nandoon? It generated interest. I’m thinking as a producer, siyempre, ibang-iba na may Marya.”

Dahil pumirma na nga siya sa Regal, may kuwento si Eric na tila binabawalan siya ni Mother Lily Monteverde na gumawa sa iba. Akala raw kasi nito, may idi-direk din siya sa GMA-7.

“Tinawagan ako ni Mother, sabi niya, ano, may gagawin ka raw sa GMA? Sabi ko, Mother, meron. Sabi niya, ‘wag ka na direk, ‘wag ka na direk. Sabi ko, Mother, hindi ako magdidirek, artista ko. Kung artista, sige puwede.”

Natatawang kuwento pa niya, “’Wag na raw akong magdirek. Sabi ko, Mother, parang hindi naman yata puwede.”

Exclusive contract pala ang pinirmahan niya sa Regal Films?

“No, I signed a non-exclusive contract,” natatawa niyang sabi. “Kay Mother lang. Siyempre, si Mother yun, love ko yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit ni Eric na tila nakikita niya ang ama, ang namayapang Comedy King na si Dolphy kay Paolo Ballesteros ngayon.

Paano niya nasabi?

“Si Paolo kasi, if you ask him to do the scene again, he can give something new sa unang mga take niya. Well, ang sinasabi ko kasi, only a few people can do that. Only an intelligent actor can do that.

“Sanay kasi siguro sa entablado, sanay sa light. Alam nila na kapag binitawan mo ang isang punchline, kapag ginawa mo ulit yun, hindi na yun effective. Pero siyempre, you have to look at it in a concept of a movie. Pero, nakita ko kay Pao na he can do several versions of that scene. Nagbigay siya ng ganun. And only few actors na gumagawa ng ganun and he’s one of them. Si Paolo, sanay sa kalye.

“Dun ako na-impress sa kanya. And that was third or second shooting day.”

Bukod kay Marya, may iba pang artista na gusto raw na maidirek ni Eric sa pelikula.

Isa na rito ang dati niyang co-star at ngayon ay Congresswoman ng Batangas at Star For All Seasons na si Vilma Santos.

Aniya, “Si Ate Vi… kaya lang parang ang hirap din kunin ng schedule. But she’s one person that I’d like to direct.

“Marami na rin kaming pinagsamahang pelikula. Pahiram ng Isang Umaga, Ibulong Mo sa Diyos, Hahamakin ang Lahat, ang gaganda at ang mga directors ko, Elwood Perez, Lino Brocka, at saka Ismael Bernal.

“I think, I’m blessed as an actor that I was able to work with these masters.”

May ideya ba si Vilma na gusto niya itong makasama bilang siya naman ang director?

“Oo, nasabi ko na ‘yan sa kanya,” saad ni Eric.

“Alam niyo naman si Ate Vi, oo, pero siyempre, ang schedule ni Ate Vi ang medyo madugo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Nora Aunor, gusto niya rin bang mai-direk?

“Of course, si Ate Guy. Kaya lang kasi kami ni Ate Vi, mas naging magkaibigan kami ni Ate Vi.”

Sa mga batang artista ngayon, may mga nagugustuhan din siyang gustong mai-direk.

“Of course, si Angel [Locsin] nai-direk ko na and I loved working with Angel. Nadirek ko na ‘yan at mahusay. Sa Darna, Majika, Asian Treasures," pagtukoy niya sa dating GMA-7 shows ni Angel. 

Dugtong din niya, “Alam niyo, ang gusto ko talagang maka-trabaho, si Bea Alonzo. I think, she’s one of the best actresses of her generation. I’d also like to direct—natutuwa ako kay Janella Salvador at Liza Soberano.”

Sa mga lalaki, sina Jericho Rosales at Joshua Garcia ang mga nabanggit niya na gusto rin niyang maidirek.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN