Jaclyn Jose reveals Coco Martin was hesitant to do mainstream movies


Ilang beses nakatrabaho ni Jaclyn Jose si Coco Martin sa indie films ni Direk Brillante Mendoza.

Ayon sa beteranang aktres, paulit-ulit niyang sinabihan noon si Coco na sumabak na sa mainstream, pero umayaw ito.

Kuwento ni Jaclyn, “Sabi ko, di na, ano na, puwede na ‘yan.

“Meron daw siyang ano... parang... mahina ang loob niyang makiharap sa mga... stars.

“Sabi ko, hindi, ano lang ‘yan... pare-pareho lang tayo.”

Noong pa-indie-indie pa lang si Coco, nakita ba niya ang potensiyal nito na maging isa sa biggest stars ng showbiz?

Matamang saad ni Jaclyn, “Well, hindi ganito kalaki... But I know that he is a very good actor.

“Alam kong mahusay siya dahil lagi kaming nagsasama sa indie.”

ON ANDI & JAKE. Any update sa chikang gusto ni Jaclyn na maging Kapuso ang anak niyang si Andi Eigenmann?

“Gusto ko siyang magkatrabaho. Mag-work,” paglilinaw ng GMA-7 actress.

Ang galing-galing na artista ni Andi, walang maibigay sa kanyang trabaho ang ABS-CBN?

“Ahhh... wala siyang ginagawa. So, I suppose, wala,” kaswal na banggit ni Jaclyn, na bongga ang role sa Kapuso teleseryeng The Cure.

Bakit kaya?

“Hindi ko alam.”

Lumalabas-labas paminsan-minsan si Jake Ejercito sa GMA-7. Okay ba sa kanyang makatrabaho ito ni Andi?

“Oo naman. Hindi naman ako producer!” natatawang sagot ni Jaclyn.

“Ha! Ha! Ha! Ha! Baka ako pa ang tanggalin [pag umayaw ako]! Nakakaloka!”

FILM RESTORATION. Ibinalita ni FDCP Chair Liza Diño sa media launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 nitong Mayo 3 sa Max’s restaurant, Sct. Tuazon St., QC na ire-restore na ang pelikulang White Slavery (1985).

Idinirek iyon ni Lino Brocka, at tinampukan nina Sarsi Emmanuelle, Emily Loren, Ricky Davao, at Jaclyn.

Ano pang pelikula niya ang wish ni Jaclyn na ma-restore at ma-remaster?

Itanong Mo Sa Buwan,” mabilis na tugon ng Cannes Best Actress.

Private Show... Macho Dancer... lahat ng kay Lino [Brocka], at kay Chito [Roño].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aling pelikula niya ang ayaw niyang ma-restore?

“Wala!” mabilis pa ring bulalas ng premyadong aktres.

Kahit Chikas (1984), okay lang bæ sa kanya na i-restore ito?

“Okay! William Pascual ‘yon, love ko ‘yon, e!” sambit ni Jaclyn.

“Kung hindi sa Chikas, wala ako dito. Di ba? Kasi, ang jury doon, sina Bing Lao, Ed Instrella. Di ba?!

“Kung hindi sa mga taong ‘yon, wala ako dito!”

"Yung iba kasi, parang ayaw na nilang maalala yung Chikas...

“Ako, sa akin, yun ang nagbigay sa akin ng daan, e!

“Para mapunta ako, makilala ako ni Bing Lao... maging paborito ako ni Bing Lao, ni Ricky Lee, di ba?

“Na i-recommend nila ako sa mga script nila. Because of Chikas!”

REUNION WITH BRILLANTE. Marami ang naghihintay... kailan uli sila magkakatrabaho ni Direk Brillante "Dante" Mendoza?

Natawa si Jaclyn at napatungo, “I’m sorry, akala ko si Mark Gil!”

Si Mark Gil ang yumaong aktor at ama ng anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann.

Sabi pa niya, “I’m so sorry, ninerbyos ako sa tanong mo...”

Two years na ang lumipas matapos silang magtrabaho ni Direk Brillante sa Ma'Rosa, ang pelikula na nakapagbigay ng Cannes Best Actress award kay Jaclyn. 

“Si Direk... ahhh... siguro kung merong magandang role.

“Si Dante, kahit anong role, okay ako diyan, e!”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN