Dennis Trillo admires On The Job 2 director Erik Matti's attention to detail: "Metikuloso!"

IMAGE Noel Orsal

Dennis Trillo (shown with GF Jennylyn Mercado) admires On The Job 2 director Erik Matti's perfectionist nature on the set: "Iba si Direk Erik! Para siyang gumagawa ng commercial—bawat eksena, bawat frame, talagang kailangan perfect!"

 


Pagkatapos ng Kapuso seryeng The One That Got Away (TOTGA) ay dire-diretso na si Dennis Trillo sa shooting ng pelikula niyang On The Job 2.

Dream movie ni Dennis ang naturang pelikula ni Erik Matti kung saan isa sa mga kasama ni Dennis ay ang Drama King na si Christopher de Leon.

Sa naturang pelikula ay may mga tattoo si Dennis, at may ilang netizens na nagpakita ng kanilang pagkabahala sa pagpapalagay niya ng bagong tattoos.

Mabilis namang ipinaliwanag ni Dennis na fake tattoos lang ang mga ito.

Kasama rin ni Dennis sa On The Job 2 sina Lotlot de Leon, John Arcilla, Ricky Davao, Vandolph Quizon, Dante Rivero at William Martinez, among others.

At dahil nasa pelikula nga si Christopher de Leon, magsasama sa isang pelikula ang Drama King at si Dennis na tinaguriang Drama Prince.

Kaya tiyak na kabugan silang dalawa sa aktingan.

“Hindi naman! Kabugan talaga? Hindi naman,” at natawa si Dennis.

“Experience yun, magandang experience yun para sa akin.

“Feeling ko marami akong matututunan sa kanila. Puro mga beterano yung mga kasama kong mga artista.

“Kahit sina Eric Fructuoso nandun, mga idol ko yun nung nanonood pa ako ng Palibhasa Lalaki.

“So medyo na-starstruck ako sa kanilang lahat nung nakita ko sila dun,” pagtukoy pa ni Dennis sa mga kasama niya sa On The Job 2.

“At masaya, iba si Direk Erik!

“Para siyang gumagawa ng commercial—bawat eksena, bawat frame, talagang kailangan perfect!

“Ultimo yung konting andar lang ng sasakyan na ganyan, talagang yung pasok sa rain effect nung kotse… metikuloso!

“Ilang ulit, kahit hindi kami kita sa loob ng sasakyan, nandun lang kami sa loob, paulit-ulit kami, 'tapos buhos lang yung ulan.

“Ibang klase, ang sarap ng feeling na mapasali sa ganun, yung alam mong sobrang pinapaganda talaga.

“Yung talagang bawat frame, yung ilaw, yung isang eksena namin, inilawan tatlong oras!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw siya nainip.

“Pag ganun ang mga kasama mo, ayokong mag-inarte, gusto ko lang mag-adjust kung ano yung ikagaganda ng pelikula.”

JENNYLYN GUESTING IN TOTGA? Mukhang wala nang posibilidad na mag-guest si Jennylyn Mercado bago magtapos ang The One That Got Away (TOTGA) kung saan male lead star si Dennis.

“Meron kasi siyang show kaya malabo na po siguro na maisingit pa niya na makapag guest sa show namin.

“Masisira po yung momentum nung show nila,” paliwanag ni Dennis.

Umeere na rin kasi ang The Cure kung saan female lead si Jennylyn.

Parehong sa GMA-7 umeere ang shows ng magkasintahang Dennis st Jennylyn.

Sa TOTGA ay si Alex (Lovi Poe) ang love interest ni Liam (Dennis).

Hindi ba nagseselos sa totoong buhay si Jennylyn kay Lovi?

Paninigurado niya, “Hindi naman po, magkaibigan naman po yung dalawa.

“Magkaibigan po sila at saka parehong professional kaya wala naming mga ganung issues.”

Si Dennis naman raw ay hindi rin nagseselos kay Tom na gumaganap na asawa ni Jennylyn sa The Cure.

“Ah, hindi,” at tumawa si Dennis habang kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng TOTGA kamakailan sa Quezon City.

“Magkapatid” daw halos ang turingan nina Dennis at Tom dahil iisa ang manager nila, si Popoy Caritativo.

Nasa The One That Got Away din si Renz Fernandez na gumaganap na isang bading kaya tinanong namin si Dennis kung humingi ba sa kanya ng tips si Renz kung paano gumanap in a gay role bilang maraming beses na mahusay na nakaganap bilang gay si Dennis.

“Humihingi siya ng tip sa lahat!

“Kina Direk [Mark Sicat dela Cruz], sa akin nagtatanong din po siya, pero sabi lang po namin sa kanya huwag lang niyang io-OA, magiging maganda na ‘yan sigurado.

“Less is more,” payo niya kay Renz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN