Richard Quan considers himself lucky to be part of Citizen Jake cast

Richard Quan on comebacking director Mike de Leon and his latest movie, Citizen Jake: "When I saw Citizen Jake, hanep yung film, malinaw ang mensahe, bad ass ang pagkakagawa. That's the only time na naramdaman ko how lucky I am to be part of the film. Sa tingin ko, it will stand the test of time, it will be a relevant film for generations to comem" 


Once in a lifetime opportunity para sa aktor na si Richard Quan ang makatrabaho ang award-winning film director na si Mike de Leon.

Nakilala si Direk Mike sa kanyang mga obra na Kisapmata, Batch ’81, Kung Mangarap Ka’t Magising, Kakaba-kaba Ka Ba?, Sister Stella L, Hindi Nahahati Ang Langit, Southern Winds at Bayaning 3rd World.

Pagkatapos ng labing-walong taon, muling nagbalik sa paggawa ng pelikula si Direk Mike via Citizen Jake kunsaan bida si Atom Araullo at kasama rin sa cast sina Gabby Eigenmann, Max Collins, Adrian Alandy, Teroy Guzman at si Ms. Dina Bonnevie.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Richard via Facebook messenger, nagkuwento ito ng kanyang hindi malilimutang experiences habang katrabaho ang mahusay na si Direk Mike sa pelikulang Citizen Jake.

“Before Citizen Jake, wala akong masyadong exposure kay Direk Mike.

“All I know is that he's a good director.

“Kung sa ‘yo at sa iba, his greatness came from his previous works.

“Sa akin hindi applicable yun, kasi nga I really don’t know kasi.

“Hindi ako familiar with his works.

“Naintriga lang ako kasi when I got the part, people from the business were congratulating me.

“From then on, nag-research ako about him and observed how he works.

“Nagulat nga ako na siya pala director nung movie with Jay Ilagan and Vic Silayan na Kisapmata which is about incest.

“E, one of the most unforgettable scenes sa akin yung isang eksena dun.

“Napanood ko siya noong teenager pa ako,” kuwento pa ni Richard.

AUDITIONED FOR ROLE. Nag-audition pala si Richard para sa role niya as Enchong, ang henchman ng isang politically-inclined family.

Akala nga raw ng aktor hindi niya makukuha ang role na ito.

Lahad niya, “Yes, I auditioned for the henchman role.

“I portrayed various henchman characters in the past, pero this is different.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I always make it a point na iba-iba ang pinanggagalingan at motivation ng character ko lagi, although pareho minsan ang description.

“After I auditioned, wala akong tawag for months kaya akala ko wala na yun.

“Nalaman ko na may isang staff na nagsasabi kay Direk Mike na I’m not available. That staff got fired.

“When they called me up again, nalaman nila na available pala ako.

“Si Direk Mike pa ang nag-sorry sa akin nung first day shoot ko sa kanya kasi from the start kasama daw ako, nagkaroon lang ng misunderstanding.”

PERFECTIONIST DIRECTOR? Kaya sa unang pagkakataong makatrabaho niya sa pelikula si Direk Mike, naging malaking tulong daw talaga na wala siyang alam kung paano ito magtrabaho sa set.

Go with the flow lang daw si Richard sa process ni Direk Mike.


Ani Richard, “Yung experience ko with Direk Mike when we were filming na is something to treasure as an actor.

“We shot it chronologically, two to three scenes per day lang.

“And then he sets the mood for his actor, and most importantly, he asks his actors after rehearsal if everybody is comfortable, which is how acting should be na relaxed ang atmosphere.”

Ayon sa ilang aktor na nakatrabaho na ni Direk Mike in his past films, may pagka-perfectionist daw ito.

Naramdaman ba ni Richard ang pagiging mabusisi ni Direk Mike?

Pagsang-ayon niya, “Maybe perfectionist nga si Direk Mike.

“First time ko kasing ma-experience ang chronological shoot.

“We rehearse immensely every scene sometimes one to two hours, pero two to three scenes lang kami per day.

“Tahimik at focused lahat sa set. I don't know how you will call it.

“Borderline sa pagiging perfectionist? Or just being perfectionist.

“It took us five months yata, more or less with the principal photography.

“Hindi pa kasama ang pre-prod at post-prod doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TEMPERAMENTAL. Kilala rin daw si Direk Mike sa pagiging temperamental nito.

Minsan na rin kasi nitong hindi tinapos ang isang nasimulang pelikula.

Ito ay ang Jose Rizal movie kunsaan bida sana si Aga Muhlach.

Pina-shelve daw ni Direk Mike ang project kahit na marami na silang nakunang mga eksena.

“Very cool naman si Direk Mike based from my experience.

“I heard nag-rant siya minsan sa set at nagpauwi ng staff, pero di ko nakita or na-experience yun.

“Siguro as long as alam mo ang responsibilidad mo, anybody can have a good relationship with Direk Mike.

“Hindi naman namin naisip na hindi matatapos ang movie namin kasi nakikita namin na inspired ang director namin.

“Matagal din kasi siyang hindi gumawa ng film kaya I have this thinking na naipon ang creative and artistic juices niya kaya kailangan ng outlet.

“Kaya alam naming matatapos itong Citizen Jake,” diin pa ni Richard.

WATCHING THE RUSHES. Noong mapanood na raw ni Richard ang kabuuan ng Citizen Jake, naging instant fan na siya ni Mike de Leon.

Saad niya, “When I finally saw Citizen Jake nung premiere night, I was overwhelmed!

“I sent a message to Direk Mike.

“I said, 'I didn't understand your greatness until I saw Citizen Jake,' and that’s true.

“In short, yung greatness niya para sa akin didn't come from his previous work and reputation, but from my experience working with him sa movie.”

LUCKY TO BE PART OF CAST. Masasabi ba niyang masuwerte siya dahil nakasama siya sa directorial comeback project ni Direk Mike?

“At first, since wala nga ako masyado exposure with Direk Mike, I didn' feel na 'lucky' ako.

“Pero gradually, dahil na rin sa reaction ng mga tao nung malaman nila na part ako ng Citizen Jake, doon ko naramdaman na there's something special nga sa project na 'to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When I saw Citizen Jake, hanep yung film, malinaw ang mensahe, bad ass ang pagkakagawa.

“That’s the only time na naramdaman ko how lucky I am to be part of the film.

“Sa tingin ko, it will stand the test of time, it will be a relevant film for generations to come,” pagmamalaki niya.

HATS OFF TO CAST. Pinuri naman ni Richard ang performance ng mga kasama niya sa Citizen Jake, particularly sina Adrian Alandy, Gabby Eigenmann, Teroy Guzman at Atom Araullo.

“Hindi matatawaran ang effort ni Adrian Alandy in this film, he should be nominated.

“First time to work with Teroy and he is a terrific actor.

“Si Gabby naman is so good to the point na nagdagdag ng scenes sa amin si Direk Mike to enhance his character. That how good Gabby is.

“Pero si Atom ang revelation.

“For a first timer, he did very well. He exceeded my expectations.

“I think it’s because of his intelligence which is a basic requirement ng kahit na sinong actor,” pagpuri niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN