Paulo Avelino says his Goyo character is like a "babaero"

by Nikko Tuazon
May 13, 2018
Paulo Avelino on Goyo: "I'm very excited because we've been working on this project for almost three years."

Excited na ang ABS-CBN actor na si Paulo Avelino dahil sa wakas ay mapapanood na sa sinehan ang historical film niya na Goyo.

Si Paulo ang gumanap sa karakter ni Heneral Gregorio Del Pilar, ang pinakabatang heneral na sumabak sa Philippine-American war noong 1890s.

Ipapalabas sa September 5 ang nasabing pelikula. Ito ang follow-up movie ng TBA Studios matapos maipalabas ang Heneral Luna na pinagbidahan ni John Arcilla noong 2015.

Halos tatlong taon din ang inintay upang maipalabas ang pelikulang ito.

"Of course, I’m very excited for it to come out, for people to see it," pahayag ni Paulo sa PEP.ph (Philippine Entertainmen Portal) nang makapanayam ito noong May 6, sa Berocca Conquer Big Days event sa SM Megamall, Mandaluyong City.

Kasabay ng pag-anunsiyo ng play date ng Goyo ay isang bagong trailer ang nilabas para dito.

Ani Paulo, "What came out was the teaser two, so it’s not yet the full trailer.

Continue reading below ↓

"I’m very excited because we’ve been working on this project for almost three years.

"At ito na nga, we finished shooting last year and now, ginagawa lahat para matapos yung post.

"I’m just excited that it’s almost done and people are gonna have a chance to see this film."

Dagdag pa ng aktor, "I think sa teaser 2, if you notice, it’s more about the perspective of the people around Goyo."

Marami raw natutunan si Paulo mula sa karakter na kanyang ginampanan.

Aniya, "Ang dami e, ang dami talaga na minsan sobrang contradicting na yung ibang binabasa ko.

"I definitely learned more not just about Goyo..."

Isa sa mga napanin ng kanyang mga taga-hanga ay tila isang "heartthrob" si Heneral Del Pilar noong kapanahanunan nito. Ito rin ang paniniwala ni Paulo.

Paliwanag ng aktor, "There are actually proof ng mga written letters ni Goyo to multiple girls and also letters for him by different women asking… na parang yung iba nagseselos.

Continue reading below ↓

"Up to what kind of babaero extent, I wouldn’t know but he’s definitely a [ladies’ man], kumbaga celebrity siya in a way."

KASAL. Bukod dito, isa pang pelikula ang paka-aabangan kay Paulo.

Ito ang Star Cinema movie na Kasal kunsaan kasama iyabsina Bea Alonzo, Derek Ramsey, at Kylie Versoza.

Ayon kay Paulo, isa sa pinakamahirap na ginawa niya para dito ay ang makapag-establish ng chemistry sa kanyang leading lady.

Aniya, "For this film, I think the hardest part for me is always building chemistry with your partner. Some people are gifted with chemistry on screen.

"Some people just have to work for it and make sure that the chemistry is there, things work out, and people would see it on screen and believe that you might or you are actually together."


STORIES WE ARE TRACKING


Read Next
Read More Stories About
Paulo Avelino, Goyo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paulo Avelino on Goyo: "I'm very excited because we've been working on this project for almost three years."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results