Real crime story inspired Janella-Jameson movie So Connected

The pairing of Janella Salvador and Jameson Blake in the movie So Connected gets high marks from fans.



Showing na ngayon sa mga sinehan ang pelikula nina Janella Salvador at Jameson Blake na So Connected ng Regal Films.
 
Base sa naging reaksyon ng mga nanoood sa premiere night ng pelikula noong May 22 may katwiran ang writer at director na si Jason Paul Laxamana na pagtambalin sina Janella at Jameson kahit hindi magka-love team ang mga ito.

Halos lahat ay napansin ang magandang chemistry ng dalawa sa screen.

“Ang saya nga, e, ang saya ng reaction. Pati kami minsan, napapa-ha!” lahad ni Janella.

“We didn’t know it would turn out that way, siyempre napanood lang namin ang dubbing.  

“Sobrang galing nga ni direk.”
 
Ayon naman kay Jameson, “Surprised, I mean, it was actually better than I thought.  

“Yung chemistry namin sa movie, seen talaga.”
 
Masaya si Jameson sa kinalabasan ng pelikula, pero tingin daw niya, mas meron pa siguro siyang puwedeng ibigay.
 
“I think, I can do better, I’m satisfied with my performance; but I’m like that kasi, I like to do better,” nakangiti niyang sabi.

Ang So Connected ay rated PG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at Graded B ng Cinema Evaluation Board.

VALIDATION. Mas kilalang ka-love team ni Janella ang rumored boyfriend niya na si Elmo Magalona, pero hindi maikakaila ang sigawan at kilig ng mga fans sa premiere night ng So Connected sa SM Megamall.

Anong pakiramdam niya dun?
 
“Siyempre masarap sa feeling while watching your own movie and hearing the reaction, it validates you as an artist.  

“Sobrang nakakatuwa at nakakakilig na ganun yung reaction nila,” saad ni Janella.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Janella at Jameson sa Max’s Restaurant pagkatapos ng premiere ng pelikula nila. 

Kung sakali at pagsamahin nga silang muli ng Regal Films, papayag sila?
 
Ayon kay Janella, “We’ll see, kapag inoffer, dun na lang namin idi-deal.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re not really expecting anything yet.”
 
Pero para kay Jameson, “Open naman, we’re open to suggestion naman. Okay lang.”

Ang kuwento ng So Connected ay tungkol sa mga kabataan ngayon sa panahon ng Internet. 

May aral dito na matutunan lalo na sa responsableng paggamit ng social media.

Sabi nga ni Janella, “Ako, hopeful ako na sana maintindihan ng mga tao.

“Everyone who’s here in social media na mahilig mag-share ng opinion.

"Minsan, what you see is not the whole story.
 
“You can’t just release word na feeling mo, yun na yun.  

“So sana, ma-get ng mga tao.

"Mas ma-understand nila yung responsibility sa social media.

“Kung paano nakaka-apekto yun sa buhay ng isang tao.”
 
Lahad naman ni Jameson, “In the movie, it also involves stalking.

"It also involves yung mga issues natin.”
 
Sa kanyang karakter bilang si Trisha ay nailabas raw ni Janella ang kanyang “fun side… so makulit, di ba?”  
 
May mga nagsasabi na puwede raw pala si Janella na mala-Kim Chiu na nagko-comedy rin.
 
“Okay naman, feeling ko masaya yun,” nakangiti niyang sabi.
 
Si Jameson naman, mas naka-relate raw siyang talaga sa karakter niya bilang si Karter.
 
“Tahimik lang, mahiyain at first. Kaya konti lang yung mga adjustment na ginawa ko.”
 
Ayon kay Direk Jason Paul, na siya ring nagsulat ng screenplay nito, ang inspirasyon ng pelikula na ito ay isang true crime story. Nabasa ang isang news article kunsaan binalita na isang kriminal ang nakilala dahil sa isang photo-sharing app na naka-install sa smartphone na kanyang nanakaw.

Ngunit pinili ng writer-director na gawing rom-com ang istorya nito.



ArticleReco:{"articles":[guide_27936,guide_27941,guide_27921,guide_27761]}]

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN