Dingdong Dantes names Aga Muhlach "Best Actor"

Dingdong Dantes gets plaudits for his role in Seven Sundays, but his personal choice for Best Actor is his co-star Aga Muhlach. "I owe everything... kay Kuya Aga sa pelikulang yun," he said.


Sunud-sunod ang mga recognition na natatanggap ngayon ni Dingdong Dantes dahil sa pagganap niya sa pelikulang Seven Sundays ng Star Cinema.

Nauna siyang nabigyan ng parangal sa 20th Gawad Pasado Award bilang Pinapakasadong Actor ng taon. 

Sinundan ito ng 49th Guillermo Mendoza Box-Office Awards na ginawaran si Dingdong ng Film Actor of the Year.

Ginampanan ng Kapuso actor ang karakter ni Bryan, pangalawa sa apat na anak ni Manuel Bonifacio, na ginampanan ni Ronaldo Valdez.

Sa inilabas naman na nominasyon ng FAMAS para sa Best Actor, kasama ang pangalan ni Dingdong pati na rin ang co-star niya sa pelikula na si Aga Muhlach para naman sa Best Supporting Actor.

Reaksiyon ni Dingdong, “Unang-una, hindi ko po alam kung ano ang naging system nila of determining kung sino ang karapat-dapat."

Lahad pa niya, “But the nomination, para sa akin, ay malaking bagay,” na ang tinutukoy ay hindi pala ang kanyang sarili kundi, “I owe everything, lahat ng performance ko karamihan kay Kuya Aga sa pelikulang yun."

Pinasalamatan din niya ang direktor na si Cathy Garcia-Molina at ang buong cast.

Muli, pinasalamatan niya si Aga.

“But mainly sa kanya dahil naging kuya talaga siya sa amin dun.

"For us to be able to portray a character, kailangang maging immerse ka talaga sa set.

“Pamilya kasi yung pinag-uusapan namin dun so, para sa akin, siya ang Best Actor.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa press conference ng pelikula nila ni Anne Curtis na Sid & Aya (Not A Love Story) ng VIVA Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN