Director praises Ai-Ai delas Alas's performance in Cinemalaya 2018 entry

Louie Ignacio is all praises for Ai-Ai delas's performance in the Cinemalaya 2018 entry School Service: "Hindi siya dito komedyante. Actress siya."



Diretsahang inamin ni Direk Louie Ignacio na sa liga ng mga artista, si Ai-Ai delas Alas ay isa sa pinakapaborito niya bilang isang alagad ng sining, at bilang tao.

Naidirehe niya ang tinaguriang Concert Comedy Queen sa pelikulang Area na nagbigay sa kanila ng ilang awards sa iba’t-ibang international film festivals.

Pahayag ni Direk Louie, “Ay, favorite ko talaga si Ai-Ai. Lucky charm ko siya.

“Parang nung magkasama kami, parang nagsunud-sunod yung blessings. Nadadamay ako sa awards.”

Ngayong 2018 ay muli niyang idinidirek si Ai-Ai sa pelikulang School Service na panlaban ng BG Productions sa 2018 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Marami ang curious: mas magaling ba dito ang GMA-7 actress kumpara sa naunang award-winning movie nila na Area?

Paliwanag ng TV at film director, “Pare-pareho, magkakaiba lang yung roles. Hindi mo sinabi na dito siya magaling, magaling siya sa lahat ng films.

“Ang sabi nga namin, ang Cinemalaya ay hindi mo alam kung mananalo ka. Wala, walang ideya. Basta ang gawin mo ay gawin mong maganda ang pelikula mo.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Louie sa media launch ng mga bagong contract artists ng BG Productions na ginanap noong May 3 sa Marco Polo Hotel, sa Ortigas, Pasig City.

Ang isa pang ipinagmamalaki niya kay Ai-Ai ay hindi lamang daw ito basta dependent sa instructions kapag dumarating ito sa shooting.

Aniya, “Ah, hindi, nagri-research siya. Gina-guide ko siya. Nagri-research si Ai-Ai, naggu-Google. Inaalam niya, e.

“At matagal na naming napag-usapan ito [ang role niya sa School Service].”

Patuloy ni Direk Louie tungkol sa role ni Ai-Ai, “Ibang-iba siya rito, kasi bida-kontrabida siya rito. Masama siya rito.

“So kumbaga, wala kong bida rito na mabait. Bida-kontrabida na napakasama, nagmumura, nananapak ng mga bata.

“Ang Cinemalaya kasi, wala namang censorship. Kaya yun ang maganda, e.”

Hindi ba nagdalawang-isip ang actress-comedienne na tanggapin ang role?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit niya, “Ay hindi. Natatawa ako kasi, wala siyang choice. Tatanggapin niya.

“Love ko kasi yun, sa dami na naming pinagsamahan.

“Sabi ko naman sa kanya, 'Ako bahala sa iyo, just trust me.'

“Masarap lang na may tiwala ang isang Comedy Queen. At hindi siya dito komedyante. Actress siya. At least, na-elevate na siya.”



Stories We Are Tracking

Joel Lamangan, Kevin to do daring scenes in Cinemalaya entry
Joel Lamangan, Kevin to do daring scenes in Cinemalaya entry




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN