Did Myrtle Sarrosa's Wander Bra pre-empt Liza Soberano's Darna?

Myrtle Sarrosa downplays comparisons between her film Wander Bra and the upcoming Darna movie.


Tatlo ang pelikulang ginagawa ngayon ng ABS-CBN star na si Myrtle Sarrosa.

Isa na rito ang Jumper (ang comeback film ng Imus Productions) kunsaan leading lady siya ni Luigi Revilla at kabilang rin si Myrtle sa pelikula kunsaan makakasama niya si Edgar Allan Guzman.

Ang ikatlong pelikula niya ay ang Wander Bra kunsaan bida sila ni Cacai Bautista. Dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang last shooting day ng pelikula sa Maragondon, Cavite.

Sa tuwing isusuot ni Cacai ang mahiwagang bra, magta-transform ang karakter niya at si Myrtle ang lalabas sa screen bilang si Wander Bra.

“Nagkasama na kasi kami before sa Your Face Sounds Familiar, masaya kami na kami ulit ang magkasama ngayon,” pahayag ni Myrtle tungkol kay Cacai.

Pang-ilang indie movies na rin daw niya ang Wander Bra pero iba raw ang pelikula niya ngayon dahil superhero naman ang ginagampanan niya.

Sabi nga ni Myrtle, “Enjoy naman siya.

“Iba talaga ang experience niya. This time, superhero ka.

“May mga scenes na naka-harness, green screen. Nag-e-enjoy talaga ko.”

Kinumpara ni Myrtle ang costume niya sa pelikula sa sinuot niya para sa Ginebra 2018 calendar niya. Kaya sexy raw talaga ang costume. Mismong ang director nila na si Direk Joven Tan ang nag-disenyo ng costume na kulay pink ang bra at may disenyo na parang flowers.

“Pero I feel protected naman. Ang bait ng production dito at saka yung costume naman, kumportable naman.”

Natawa si Myrtle nang tanungin kung ang Wander Bra na raw ba ang kakumpetensiya ni Darna.

“Inunahan ba namin si Darna?” natawang sabi niya.

“Iba naman siya. Ang Darna kasi is an action/fantasy.

“Sa amin naman, it’s comedy/fantasy. Feel-good siya na mas comedy kami. May konting fight scene, pero mas focus kami sa comedy.”

Hands-on din si Myrtle sa look ng character niya. Binigyan daw siya ng kalayaan na siya na ang mag-create ng look niya kaya siya raw mismo ang nagmi-make-up sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaking tulong na isa naman din siya talagang cosplayer sa totoong buhay.

Ang leading man nila ni Cacai sa pelikula ay ang Hashtags member na si Zeus Collins. Pag-amin ni Myrtle, may mga eksena raw lalo na nung umpisa na tila nagkaka-ilangan pa sila.

Natatawang kuwento niya, “Parang nagkaka-ilangan pa kami ni Zeus. Parang naka-board shorts yata siya nun. E, ako naman hindi pa ko ever naka-swimsuit sa shooting. Tapos naka-swimsuit din yung lalaki.

“Parang hindi namin matingnan ever yung isa’t-isa sa mata. Nahihiya pa kami.

“Pero kapag sila ni Ate Cacai, wala siyang hiya-hiyaan. Naghahalik-halik pa sila sa mga braso-braso. Pero kami, hindi talaga kami makatingin sa isa’t-isa.”

Pinuri naman ni Myrtle ang Hashtags member. Aniya, “Mabait si Zeus, e. At saka, may timing din siya sa comedy.”

Ang Wander Bra ay sa ilalim ng Blue Rocks Productions.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN