Robin Padilla commends Joyce Bernal for strengthening ties between PH-South Korean film industries

Robin Padilla (not in photo) commended Joyce Bernal (rightmost) for helping strengthen ties between the film industry of the Philippines and South Korea. Robin also thanked Ryan Bang (leftmost) for his help during Duterte's visit to Seoul.


Pinuri ni Robin Padilla ang kaibigang direktor na si Joyce Bernal sa pagsama nito sa entourage ni Pangulong Rodrigo Duterte para palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at ng South Korea.

Sumama si Bb. Joyce Bernal upang maghanap ng mga producers para sa co-production ng kanilang mga gagawing proyekto sa bansa.

Kinilala at pinuri ni Robin ang self-funded trip na ito ni Direk Joyce na hindi galing sa bulsa ng gobyerno upang makahanap ng partnership na Korean film at TV producers na makakaroon ng collaboration sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

Ang isang litrato na pinost ni Robin ay nagpakita kay Direk Joyce na nasa Seoul Film Commission.

Ito ang sinulat ng Pilipinas Got Talent judge sa kanyang Instagram account na @robinhoodpadilla (published as is):

“Sa ngalan ng nagiisang Panginoong Maylikha ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin…isang napakalaking hudyat ang nagawa ni Bb. Joyce para sa sining at pelikula.

"Sinagot nya ang kanyang sariling pamasahe sa eroplano papunta sa sounth korea bilang isang delegado ng ating inangbayan Pilipinas!

"Pati ang kanyang hotel pati na rin ang pantaxi at pangkain lahat ay sariling gastos niya at ng Spring Productions.

"Napakainam na mabuksan ang pintuan para magkaroon ng partnership! Isang co production! Ang dalawang bansa ay nais na palakasin ang relasyon bilang magkaibigan at magkamag anak.

"Parte tayo ng kasaysayan ng South at North Korea at tanging isang pelikula o tv series lamang ang pinakamalakas na Medium o Daan patungo sa pagkakaintindihan ng kultura at tradisyon ng Korea at Pilipinas."

Sa ngayon, wala pang update na ibinabalita si Robin, si Direk Joyce o ang Spring Films sa kung anong project ang magsisimula ng pagsasanib-puwersa nila sa mga Korean producers.

May post rin si Robin kunsaan pinasalamatan niya ang Korean actor-TV host na si Ryan Bang. Kasama ni Ryan sa litrato si Pangulong Rodrigo Duterte at Special Assistant to the President Bong Go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito naman ang caption ni Robin sa mga pictures ng It's Showtime host:

"Maraming salamat ginoong Ryan Bang sa pagtulong sa amin na maging matagumpay ang Paglalakbay na ito. Isa kang tunay na nagmamahal sa aming Inangbayan! Mabuhay ka! #JustGOit"








WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN