Darna director drops hint about costume of Liza Soberano



Muling klinaro ni Direk Erik Matti ang lumabas na balita kamakailan na nag-resign na daw siya bilang direktor ng remake ng Darna at binitawan na niya ang pelikula. May lumabas ding balita na shelved na raw ang pelikula na agad din namang klinaro ng Star Cinema na walang katotohanan. Pagbibidahan ni Liza Soberano ang nasabing pelikula at collaboration ito ng Star Cinema at Reality Entertainment.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)at Cinema News si Direk Erik Matti sa 66th Famas Awards na ginanap sa The Theatre ng SolairemResort and Casino noong June 10.

“To set the record straight I came from a meeting, production meeting two hours ago of Darna and tomorrow I’m going to look at a few elements. I’m choosing my words properly, tomorrow we have a whole day meeting, I’m gonnna check out some locations and I’m gonna be looking at the progress of design, computer graphics and finalizing our prep days leading up to our shootings days.”

“We had shoots already but we have to take a break to prepare for everything, for the big ones. We started already two months ago, we started shooting the simpler scenes first, the ones that are easy to prepare for but aside from that we had to get ready for the bigger stuff, the more complicated set ups. That’s what we are preparing for in the next few weeks.”

“Sabi ko nga unless I’m fired, I’m very much still into Darna.

Hiningan din ng reaksyon ang direktor kung sa balitang lumabas na hindi raw ito kasama sa mga entries na mapapanood sa 2018 Metro Manila Film Festival.

“I think it stopped to put a target to a film this big, I think there’s a lot of things that are unknows. For one the production is quite big, second the post production, the computer graphics is also quite extensive. I think ABS-CBN is trying to come up with a very special project with Darna. To put a playdate to it easily, all this wait, parang sayang din lang para sa project.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang kumustahin naman namin si Liza na siyang gaganap bilang Darna/Narda, papuri ang binitawan ni Direk Erik Matti para sa Kapamilya actress. Tinanong din namin siya sa ilang nagsasabi na hindi raw bagay kay Liza ang role bilang Narda/Darna dahil sa foreign blood nito.

“Liza is really focus in training for the role. We had several look tests already in terms of make up, in terms of costume, both the superhero and the normal Narda costume. I think she’s gearing up, she’s quite excited and we’ve done several workshops already, rehearsals for critical, emotional scenes.

"Ang dami nang nangyari and I’m shocked that every now and then may pumapasok pang di matutuloy or ako ang nagbitiw."

Ano naman ang reaction niya sa mga bashers na pumupuna sa proyekto ngayon pa lang?

“Bash? I think the only way for it to stop is to see her in full form. When Daniel Craig became James Bond, ang daming nagsabi, 'iba pa rin si Sean Connery.' Nung lumabas siya, everyone believed him, 'yeah he’s the best James Bond.” I think the only way na mahinto ‘yan, di yan mahihinto until they see her and believe her na, 'ay oo nga, she’s the perfect Darna.'

“She's the most progressive, she’s the most modern we ever had. In the same way that the film is also the most progressive that we are trying to make of superhero movie. I think she’s perfect for 2017, 2018 na Darna."

Pagkukuwento nga ni Direk Erik Matti, bilib at saludo siya sa dedikasyon at tiyaga na nakita niya kay Liza para sa training ng Darna.

“Si Liza pag nakita ninyo siya, I’ve seen her do the look test for Darna, we need to see her in full physical form. Grabe yung change from a year ago when we started. That’s because of the dedication of Liza as well, she has to forgo a lot of things, she had to dedicate so many days. I want to speak up on how dedicated she is, the kind of passion that she put in the training. How many tedious days she needs to spend on training every week. I’m not saying, 'ay libre si Liza, okay training siya.' No.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If you notice she’s out of everything, she’s out of the limelight.”

Noon pa man pinag-uusapan kung ano raw kaya ang magiging Darna costume ni Liza dahil kilala na wholesome ang image ang aktres at di pa ito nakikitang naka- bikini kahit kailan. Ayon naman sa direktor noon pa man ay may napili na silang costume ni Liza.

“We have a team of designers, we had approved designs two years ago for the costume. Matagal na kaming may design ng costume with approvals of the Ravelo, mga ganun.

“Hindi naman puwedeng hindi, di naman puwedeng naka-leggings si Darna. Conservative? No, we didn’t think of that, we only thought of what’s good for the role.

"Of course, with all the gender-sensitivity now, we have the design something more of a warrior, more of a utilitarian costume.

"Dati kasi parang bikini, 'yan na, na parang nawi-weirduhan ka rin minsan, tinatanong mo ang sarili mo kahit nanonood ka, 'bakit yung superhero naka-bikini?' So even if we still have all that’s required of Darna, we made sure that it’s more towards a fighter, more towards a savior, a defender. Ganun dapat ang itsura.”

Tinanong din namin si Direk Erik Matti kung may napili na silang aktres na gaganap bilang Valentina. Naging bukas si Anne Curtis na gusto niyang gampanan ang kontrabida role.

“Mayroon na pero di pa puwedeng i-reveal baka magka-subpoena ako. Maraming mangyayari, it’s been 22, 23 years since the last Darna. I’m not counting the one in TV but as a film. Imagine how epic that should be and all these years of waiting, parang ang baba naman ng napuntahan ko na parang Gagamboy ko lang yung kakalabasan.

“Anne? We don’t know pero puwedeng mangyari.

Nabalita din dati na si Tony Labrusca daw ang gaganap bilang leading man ni Liza sa istorya. Bagay na hindi kinumpirma or dineny ni Direk Erik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mayroon bang popcorn movie na wala? Mayroon 'yan. Wala pa kaming sure na mga pangalan whether leading man or not.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN