Are Thai series going to be as popular as Koreanovelas?

GMA-7 brings a lakorn (Thai drama series) for the first time on Philippine television. This series is titled You're My Destiny.


Lakorn ang tawag sa mga television drama series mula sa Thailand.

Ang GMA-7 ang unang nagdala sa Philippine TV ng Thai serye o Lakorn sa pamamagitan ng kasalukuyang napapanood ngayon sa primetime na You’re My Destiny.

Natuwa ang GMA First Vice President for Program Management na si Joey Abacan na ang una nilang inihandog na Lakorn ay positibong tinatanggap ng mga Kapuso viewers dahil sa mataas na ratings ng pilot week nito.

Nagsimulang umere ang You’re My Destiny noong June 4, pagkatapos ng Inday Will Always Love You. Pinagbibidahan ito ng mga Thai actors na sina Wisetkaew Sukrit (Paolo) at Esther Supreeeleela (Martina).

Halos maikukumpara na rin daw sa mga Korean drama series ang natatanggap na ratings ng naturang Thai drama.

Ayon kay Joey nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network noong June 7, “I would say, comparable siya sa Korean. Ibig sabihin nun, parang nakakita tayo ng bago.”

Nakahanda na rin ang Pinoy sa panonood ng Lakorn?

“Mukha naman, kasi ang taas ng rating. Makikita mo na iba-iba ang atake. Hindi ba ang Korean dati may atake sila na parang kailangan nakababad ka muna, tapos nun, kailangang namnamin mo muna ang scenery, tapos bigla kang iiyak.

“Ito namang Lakorn, parang in your face, parang tayo kung mag-produce. Very Filipino.”

Sa ngayon, may nabili na raw silang tatlong magagandang titles ng mga Thai soap operas.

Nilinaw rin ni Joey na hindi porke’t ipinapakilala na nila ang Thai drama sa bansa, malilimitahan na ang mga Korean drama na ipinapalabas ng GMA-7.

Ang GMA-7 ang nag-umpisa ng mga Korean drama sa bansa. Ilan sa mga unang K-drama na ipinalabas ng Kapuso Network noong 2003 ay ang Bright Girl at ang “Endless Love” series na Autumn in my Heart, Endless Love II, at Winter Sonata. Pero bago ito, mga Taiwanese drama ang mga unang ipinalabas ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang bahagi nga ng ika-15 anibersaryo ng GMA The Heart of Asia, desidido si Joey na makilala ang Kapuso network sa buong mundo.

“This is why we are called the Heart of Asia. We believe that the viewing preference of our audience is not only limited to the local setting, so we want to bring them the world.

“Now, ang gusto nga namin, di lang tayo makilala as the Heart of Asia but hopefully, as the Heart of the World.”

Bukod sa mga Asian series, may pina-plano na rin silang dalhin sa bansa na mga drama na hindi Asian produced. Posible na rin daw silang magdala ng Turkish drama.

Dahil si Joey ang namimili ng mga drama sa iba’t-ibang bansa, lalo na ang mga Korean drama, sinabi niya na sugal daw ang pagdadala sa bansa ng mga drama sa ibang bansa.

Aniya, “Lahat naman may risk. Our job is comprised of 30% gut feel, 30% research at 40% prayers, with the hope that our audience would like what we bring them.

“And You’re My Destiny has the elements of drama, love, laughter and entertainment that is the trademark of what our viewers love to watch.”

PLANS FOR GMA FILMS? Kinamusta rin namin si Joey kung babalik pa rin ba sa pagpu-produce ng pelikula ang GMA Films.

Katuwang si Joey ni GMA Films President na si Annette Gozon sa mga nakaraang GMA movies.

Positibo naman niyang sinabi na magpu-produce pa rin ng mga pelikula ang GMA Films na tila 2012 pa ang mga huling nagawa nilang pelikula.

Ayon sa Kapuso executive, “It has always been like that, kahit noong una naman na nag-handle ng GMA Films, we tried to feel the market all the time.

“And if you speak to the people who handled GMA Films before, kasi there was a time also that the film industry was also in a slump. Siyempre, as business people also, you have to be checking, what’s the climate right now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So yung nangyari dati, hindi rin nag-produce.

“Here comes kami naman nila Annette, panahon na namin nila Annette, o sige, mukhang laban, laban. E, nagmukhang malamlam din. So, maiintindihan ko kung ano yung ano ng board."

Sa ngayon daw kasi, wala rin naman masyadong kumikita pang pelikula.

Natatawang sabi nga niya, “Kaya nagla-Lakorn na lang ako.”

Pero pinaliwanag din niya na ito talaga ang trabaho niya sa GMA-7.

“I’ve been head of the program management, hindi naman films. Taga-bili talaga ko. Si Annette talaga yung sa GMA Films.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN