Donnalyn Bartolome saved from drowning by Ella Cruz

Donnalyn Bartolome (left) is thankful to Ella Cruz, her rescuer when she nearly drowned and her motivator in acting. They top-bill the movie Cry No Fear, which will open in cinemas on June 20, 2018.



Naging savior raw ni Donnalyn Bartolome si Ella Cruz nang muntik na siyang malunod sa eksenang ginagawa nila para sa bagong horror movie na Cry No Fear.
 
“Yun  nga po, muntikan  na kong malunod,” lahad ni Donnalyn sa press conference ng pelikula na produced ng VIVA Films.
 
“Siyempre, thankful ako na nandoon si Ella.”
 
Sa eksena raw ay tumalon si Donnalyn mula sa second floor terrace hanggang sa swimming pool.

Umuulan din daw nung kinunan nila ang eksena.
 
“E, hindi ko na po pala kaya… pagod na pagod na po ako.
 
“Yun pala, nalulunod pala ang mga tao hindi dahil sa hindi na nila kayang lumangoy kung hindi dahil pagod na pagod.
 
“Kapag umaakyat ako, tubig pa rin ang naaano ko, hindi na ko makahinga.  

“Humingi na po ako ng tulong, pero bago pa po makatalon sina Direk, nandoon na po si Ella sa likod kaya thankful po ako.

“Parang pagod na lang po talaga, yung malulunod na ko, maggi-give-up na ko.”
 
Hindi naman daw nawalan ng malay si Donnalyn.

Marami na rin daw silang pinagsamahan na proyekto at ayon sa YouTube sensation, malaking tulong si Ella sa kanyang pag-arte at pagmo-motivate.
 
Sabi ni Donnalyn, “Like I’ve said, the way umarte si Ella, nakaka-apekto rin po yun sa akin.  

“Kung magaling siya, e, di magaling din ako. Kapag ka-eksena ko po siya, nadadala rin po ako.”
 
Hindi naman daw sila nagsasapawan ni Ella kapag magka-eksena, “Wala po talaga sa akin, masaya lang po talaga ako na lead role po.

"First time ko po kasi na lead so, hindi po nagku-cross sa mind ko na masapawan ako or anything.”
 
TOO YOUNG TO BE SEXY. Unang lead role ni Donnalyn ang Cry No Fear at inamin nito na kabado siya. Ang suspense-thriller movie na ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Richard Somes. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni Donnalyn, “Siyempre, dahil first time ko po, nakakakaba po.
 
“Siyempre po, dito mo maipapakita kung kaya mo ba, kung deserve mo talaga yung binibigay na break.” 
 
Sa pelikula ay may eksena siya na naka-underwear lang siya pero hindi raw ibig sabihin ay papunta na si Donnalyn sa pagpapa-sexy.
 
“Ayaw nga po ng mommy ko, pero sabi ko, ‘Mommy tapos na,’” natatawang kuwento niya, "ang mommy ko naman po, parang [sabi] 'sana hindi na lang.'”
 
Hindi na raw nagpaalam si Donnalyn sa kanyang mommy bago niya ginawa ang eksenang na naka-panty lang.
 
“Parang sa akin po, hindi siya naging big deal.”
 
Ganun pa man, hindi pa raw talaga siya handa sa sobrang seksihan, “So far po, hindi pa talaga ako ready.”
 
Unang nakilala si Donnalyn bilang isang singer at nagtamo ng maraming subscribers noon sa YouTube.
 
Singing pa rin daw ang kanyang priority. “Mas nabibigyan ko lang po ng atensiyon ngayon but now that I’m done shooting, I’m actually planning to release my album under VIVA po.”
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN