Richard Gomez and Eric Quizon give "The Promise" a thumbs up


Richard Gomez and Eric Quizon, whooriginally played the characters of Richard Gutierrez and TJ Trinidad, respectively, attend the VIP screening of The Promise.



Pinanood nina Richard Gomez at Eric Quizon ang remake ng kanilang pelikulang Hihintayin Kita Sa Langit, ang The Promise.

VIP screening ang ibinigay ng Regal Entertainment and GMA Films last Friday night sa The Podium for its Valentine movie, The Promise, starring Richard Gutierrez and Angel Locsin, na ipapalabas sa February 14.

Kumpleto ang cast ng The Promise na sina Richard, Angel, Rhian Ramos, TJ Trinidad, Ryan Eigenmann, Eugene Domingo, and Melissa Mendez. Maraming artista at directors din ang nagsidatingan noong February 9, including Mac Alejandre, Mark Reyes, Gina Alajar, at ang asawa ni Goma (palayaw ni Richard) na si Lucy Torres.

Goma and Erik were the two male protagonists of the original 1991 movie Hihintayin Kita Sa Langit ng Reyna Films that also starred Dawn Zulueta and Jackie Lou Blanco. Both based on the classic gothic novel of Emily Bronte, Wuthering Heights and also both being written by Raquel Villaciencio na nasa cast din ng The Promise, Richard is playing the Goma part at si TJ naman ang gumaganap sa character na ginampanan ni Eric.

Eric found it flattering na ang isang movie niya, mare-remake this early, testament na rin how good the original was. Per eksena, nire-recount lang ni Eric kung paano ang naging atake nila during their own movie. Natatawa lang si Eric na tinawag siyang "luminaries" na parang tumanda raw siya because of the remake.

Enjoy rin si Goma watching the remake of their movie. Tulad ni Eric, reminiscing din siya dahil he found that some of the scenes, halos kasing tulad ng kanilang movie noon so nagku-compare din siya.

Both gave The Promise thumbs up.

Hindi nakadalo ang kanilang dalawang leading ladies na sina Dawn and Jackie Lou.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN