Jerald Napoles recalls difficulties before becoming leading man of Marian Rivera

IMAGE Noel Orsal

Jerald Napoles is elated with how his career is taking shape. The TV and theater actor once thought he would take the path of becoming a character actor. "Actually ako, yung nakikita kong path nung umaarte ako noon, Nonie Buencamino, Pen Medina. Hindi ko ine-expect na may ganito." Jerald is currently the leading man in the movie The Write Moment, now in cinemas.



Never in his wildest dreams daw sumagi kay Jerald Napoles ang mga nangyayari sa kanyang career ngayon, kabilang na ang pagiging leading man sa isang pelikula.

“Hindi, ni wala sa hilatsa. Tambay ako dati, e,” sabi ng GMA-7 actor.

Ang turning point daw sa career ng TV at theater actor ay nang maging leading man siya ni Marian Rivera sa prime-time series na Super Ma'am.

Malayong-malayo raw ito sa kalagayan niya noong panahong ume-ere ang breakout project ni Marian na MariMar, taong 2007.

"Noong napapanood ko ang MariMar, wala akong tsinelas na sarili ko. Nanghihiram lang ako sa tiyuhin ko.  'Gagamitin mo ba tsinelas? Ako ngayon.' Yung ganun,” natatawang kuwento niya.

Sa mga nangyayari sa kanya ngayon, lalo na sa kanyang career, ano ang realization ni Jerald?

“May chance! Lahat may chance, may pag-asa. [It's] the era of chances.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan si Jerald sa isang pocket interview sa Taste of L.A., Tomas Morato, Quezon City. 

Kahit nang pasukin na niya ang telebisyon at pelikula, hindi daw niya na-imagine na magiging leading man siya at magiging bida, tulad na nga ng role niya sa The Write Moment, na palabas na sa mga sinehan ngayon.

Ang pagiging isang character actor daw ang ninais niyang tahakin sa kanyang karera.

Ayon kay Jerald, “Actually ako, yung nakikita kong path nung umaarte ako noon, Nonie Buencamino, Pen Medina. 

“Hindi ko ine-expect na may ganito.”

Mas gusto ba niya ngayon ang nangyayari sa kanya?

“Oo, gusto ko ito!  Dyusko, hindi ako choosy!”

Wala rin naman daw siyang nababasa, o nagsasabi sa kanya at namba-bash na “trying hard” siya na maging leading man.

“Wala naman, kasi may certain amount ng mga tao na gusto ako dahil sa pinapakita ko, anuman ang ginagawa ko sa TV, sa pelikula.

“Actually, yun ang best na compliment sa kagaya ko. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Gusto ko si Jerald, magaling siya.' Hindi ko alam kung anuman ang napanood nila.”

Pero, naba-bash din ba siya sa social media?

“Oo,” mabilis niyang sagot.

“Usually, sa love team. Like sa AlDub, kapag nabigyan nila ng meaning yung isang pangyayari, kasama ako sa video na napanood nila, yung mga ganun.

“E, ako naman, kayo, bahala kayo.”

Naba-bash daw siya dahil sa ibang artista, hindi dahil sa siya lang ang dahilan.

“Pero may nag-PM [private message] sa akin lately, parang 2016 pa ang huling PM sa akin. Tinanong niya kung sexy ba si Ritz Azul.

“'Tapos kailan lang, nag-reply siya. 'T*ng-ina mo! Yabang mo ah!'

"E, bagong gising ako, ganun. Ang ginagawa ko, screenshot ko, post ko.

"May pangalan ka ha. Hindi ko sinasagot, pero ipo-post kita."

PRESSURE. Katulad ng ibang nagkaroon ng puwang sa industriya, aminado naman si Jerald na malaki rin ang nabago sa buhay niya ngayon.

“Sa pamilya ko, akin na lahat ng gastos. Breadwinner na ako,” sabi niya.

“Katulad na lang nitong nakaraan, tiyuhin ko, naoperahan.”

Aminado ang aktor na may pressure sa kanya dahil una, unang pelikula niya ang The Write Moment na siya ang bida, at sinugalan ito ng VIVA Films para mailabas nationwide.

Naikukumpara pa ito sa box-office indie film na Kita Kita, at siya naman sa komedyanteng si Empoy Marquez.

“Kinakabahan ako baka ma-compare sa Kita Kita,” pag-amin niya.

“At saka yung pressure na—well, yung pressure kasi, sila yung nagbibigay. Yung instances na halimbawa, ay pareho, yung ganun.

“Pero mataas ang kumpiyansa ko, more on hoping,” aniya.

Wala raw anumang adjustment sa kanila ni Valeen Montenegro bilang magkapareha dahil sa pagiging malapit nilang magkaibigan.

“Sobrang magkaibigan na kasi kami nun. Yung level na puwede kaming mag-ututan sa harap ng isa’t isa. 

“Yung ganung level ng magkaibigan.”

Sabi pa niya, “Yun ang the best kapag may ka-partner sa pelikula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN